Halikan ng KathNiel sa bagong pelikula pagmimitingan pa raw ng mga magulang | Bandera

Halikan ng KathNiel sa bagong pelikula pagmimitingan pa raw ng mga magulang

Ervin Santiago |May 24,2016
facebook
share this

Halikan ng KathNiel sa bagong pelikula pagmimitingan pa raw ng mga magulang

Ervin Santiago - May 24, 2016 - 02:00 AM

kathryn bernardo at daniel padilla

ISA sa mga ginagawang preparasyon ng rumored couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para sa bago nilang pelikula under Star Cinema ay ang pag-aaral ng Spanish language.

“Okay naman. Mahirap pala mag-Spanish! Ha-hahaha! Mahirap siya kasi siyempre nag-aaral ka ng panibagong salita so para kang sanggol na natututong magsalita di ba?

“Mahirap siya pero madali ka ding matututo dahil du’n din tayo galing at ang laking inspirasyon ng mga Spanish sa atin so hindi natin alam na yung sinasabi pala nating iba ay Spanish, yung ibang Bisaya nga ay Spanish din pala. Nakakatawa din,” ayon kay Daniel sa panayam ng ABS-CBN.

Ayon sa dalawa, ito na raw ang pinaka-mature na proyektong gagawin nila kaya handa silang gawin ang lahat para mapaganda ito at magustuhan ng mga manonood, lalo na ng KathNiel fans.

Kaya naman natanong ang dalawang Kapamilya stars kung dito na nga magaganap ang kanilang first kissing scene na walang camera trick. Ang sagot ni Kathryn, depende raw iyan sa Star Magic at siyempre kung papayagan na siya ng kanyang mommy.

Chika ni Kath, “Ibang usapan na yun (kissing scene). Kina Tita Karla (Estrada) at saka kay Mama ang issue na ‘yan. Kaya may session silang iba du’n. Ha-hahaha!”

Ayon naman kay DJ, bukod sa magiging desisyon ng kanilang mga magulang, kailangan din daw nilang pag-usapan ni Kathryn ang kissing scene at iba pang sensitibong mga eksena na posibleng ipagawa sa kanila sa movie, “Hindi pa namin napag-uusapan. Hindi kasi ito puwedeng sabihin na okay lang. Hindi puwedeng ganun. Mahabang usapan ito.

“Sa story wala pang nabanggit pero hindi hindi pa nga tapos yung script natin so tingnan pa natin, madami pang magbabago and minsan kasi hindi puwedeng oo or hindi. Kailangan upuan yun ng matagal na matagal,” natatawa ring sey ni Daniel.

Basta ang maipapangako ng dalawa, kakaiba ang tema at kakaiba ang magiging atake ng kanilang direktor na si Olivia Lamasan sa nasabing pelikula, “Exciting siya. Parang yung staff nabuhayan kasi nag-ocular sila, galing silang Spain and makikita mo yung excitement sa lahat so excited kami mag-shooting and ang ganda kasi ng story and parang perfect lahat ng linagay na tao sa movie na ito kaya hopefully maging smooth and maganda siya.

“Ang ganda kung mapanood niyo kunwari may mga kilala kayong nagtratrabaho sa ibang bansa, kailangan nilang mapanood ito,” ani Kathryn.

Nakatakdang magtungo patungong Spain ang magka-loveteam ngayong darating na June, “Sabi ni Inang next month daw kami magsisimula, yun yung hinahabol namin kaya bago magsimula sa Barcelona may ilang shooting days dito pangbuwelo. Alam mo yun, kailangan yun. Hindi puwedeng isalang kami agad. Kailangan bumuwelo. So probably next month,” dagdag pa ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending