Kilalang male personality inatake ng depresyon kaya tumaba nang tumaba | Bandera

Kilalang male personality inatake ng depresyon kaya tumaba nang tumaba

Reggee Bonoan |May 24,2016
facebook
share this

Kilalang male personality inatake ng depresyon kaya tumaba nang tumaba

Reggee Bonoan - May 24, 2016 - 02:00 AM

BLIND ITEM MALE 0513

“DEPRESSED kaya lumaki nang husto si ____ (kilalang aktor)!” ang simulang kuwento ng aming source tungkol kay actor-politician na sumabak noon sa politika pero minalas. Dati na siyang malaki, pero mas tumaba pa siya ngayon dahil wala ngang ginagawa, ang sabi pa ng kaibigan ng aktor.

Dahil pala sa sulsol ng kaibigang pulitiko kaya tumakbo ang kilalang aktor sa isang bayan at sure win naman na sana, pero biglang nabaligtad nu’ng nagkabilangan na dahil nangulelat siya. At dahil daw hindi matanggap ang nangyari ay pumunta sa ibang bansa ang aktor at doon nagmuni-muni at kung anon a ang mangyayari sa kanya ngayon dahil iniwan niya ang showbiz career dahil nga alam niya na sure winner na siya sa pagpasok niya sa pulitika.

At dahil magaling namang aktor kaya nakatanggap ng movie project nu’ng nasa ibang bansa siya. Gusto naman niya ang project lalo’t makakasama niya ulit ang isa sa paborito niyang leading lady na hanggang ngayon ay gusto rin siyang makasama. Pero hindi natutuloy ang shooting dahil hindi magtagpo ang schedule nina aktor at aktres na parehong nasa ibang bansa.

Si aktres ay work related ang concern kaya laging nasa labas ng bansa, samantalang si aktor ay bakasyon lang para raw makalimot lang ang drama kaya wala parati sa Pilipinas. Samantala, hindi na raw nagkikibuan ang aktor at ang pulitikong nagpatakbo sa kanya sa halalan noon dahil sinisisi ng una ang huli na nawalan siya ng karera dahil dito.

“Hindi naman kasi muna nag-isip si _____ (aktor), ang taas kaagad ng posisyon ng tinarget, e, wala nga siyang alam, sana man lang nagsimula siya sa mababa para matuto muna siya,” sabi ng kaibigan ng aktor.

Bakit naman si Manny Pacquiao, nagsimula nilang congressman at ngayon nga nanalo pang Senador.
Nagulat kami sa sagot ng aming kausap, “At least si Manny nakilala sa buong mundo dahil champion sa boksing kaya may nagawa sa bansa, pero hindi pa rin talaga basehan iyon para iboto siya ng tao, e, lagi nga siyang absent sa kongreso, ‘no?

“E, itong lolo mo, kilala siya bilang artista, bukod doon wala na. Ano pa ba ang ibang naiambag niya?” katwiran sa amin. Kaya as of now, “Ayun, busy siya ngayon sa pag-aalaga ng mga alaga niyang hayop na ang lalaki na rin. Nahawa na siya,” sabi pa ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending