Kailan magkakaroon ng regular na trabaho? (2) | Bandera

Kailan magkakaroon ng regular na trabaho? (2)

Joseph Greenfield |May 24,2016
facebook
share this

Kailan magkakaroon ng regular na trabaho? (2)

Joseph Greenfield - May 24, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Alvin ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Problema:
1. Under graduate po ako sa kursong HRM bale third year lang ay mahinto na ako at sa ngayon masipag naman akong nag-aaplay ng trabaho kaya laging sinasabi sa akin ay tatawagan na lang pero hindi naman po ako tinatawagan. Naaawa na ako sa misis ko nag iisang kumakayaod sa pagtitinda ng mga gulay at isda sa palengke para lang mabuhay ang aming apat na mga anak na sa kasalukuyan ang bunso ko ay Grade 3 at high school na ang panganay namin. Itatanong ko lang kung kailan kaya ako magkakaroon ng regular na trabaho at kung may pag-asa pa kayang umunlad ang buhay namin na sa simulat-simula pa ng kami ay ikinasal ay naghihirap na po kasi kami?
2. Balak ko po sanang mag-aplay sa abroad ang problema wala naman akong pera na pang ayos ng mga papeles. May guhit kaya ng pag-aabroad sa aking kapalaran at kung makapag-aabroad ako aasenso kaya ang buhay ko sa ibang bansa? March 28, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Alvin ng Novaliches, Quezon City
Astrology:
Ang zodiac sign mong Aries (Illustration 2.) ang nagsasabing sa buwan ng Mayo hanggang Agosto magandang mag-aplay sa abroad, dahil papabor sa iyo ng kusa ang magandang kapalaran.
Numerology:
Ang birh date mong 28 ay nagsasabing nakahanda na ang magaganap, kung mag-aaplay ka ngayong taong ito sa taong 2017 sa edad mong 34 pataas, may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Luscher Color Test:
Saang lugar ka man mapadpad, ugaliin mong magsuot ng kulay na pula at dilaw upang lagi kang suwertehin at lalo pang gumanda ang iyong kapalaran.
Huling payo at paalala:
Alvin maaaring kaya hindi ka matanggap ng trabaho dito sa ating bansa, dahil wala dito sa Pilipinas ang iyong magandang kapalaran. Ganon na nga ang magaganap, tulad ng nasabi na, kung ngayon palang ay mag-aaplay ka na sa abroad, sa tulong ng isang dating kaibigan o kaya’y kamag-anak, sa susunod na taong 2017 sa edad mong 34 pataas, itatala ang isang mabiyaya at mabungang pag-aabroad na magiging simula upang tuloy-tuloy ng umasenso at umunlad ang inyong pamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending