Kailan magkakaroon ng regular na trabaho? | Bandera

Kailan magkakaroon ng regular na trabaho?

Joseph Greenfield - May 23, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Alvin ng Bagbag, Novaliches, Quezon City
Dear Sir Greenfield,
Under graduate po ako sa kursong HRM bale third year lang ay nahinto na ako at sa ngayon masipag naman akong nag-aaplay ng trabaho kaya laging sinasabi sa akin ay tatawagan na lang pero hindi naman po ako tinatawagan. Naaawa na ako sa misis ko nag-iisang kumakayaod sa pagtitinda ng mga gulay at isda sa palengke para lang mabuhay ang a-ming apat na mga anak na sa kasalukuyan ang bunso ko ay Grade 3 at high school na ang panganay namin. Itatanong ko lang kung kailan kaya ako magkakaroon ng regular na trabaho at kung may pag-asa pa kayang umunlad ang buhay namin na sa simulat-simula pa ng kami ay ikinasal ay naghihirap na po kasi kami? Balak ko po sanang mag-aplay sa abroad ang problema wala naman akong pera na pang ayos ng mga papeles. May guhit kaya ng pag-aabroad sa aking kapalaran at kung makapag-aabroad ako aasenso kaya ang buhay ko sa ibang bansa? March 28, 1983 ang birthday ko.
Umaasa,
Alvin ng Novaliches, Quezon City
Solusyon/Analysis:
Palmistry;
May Travel Line sa iyong palad (Illustration 1-1 arrow 1.) kaya kung lakas loob kang mag-aaplay sa abroad kahit walang pang-gastos, ang kapalaran ang kusang gagawa ng paraan, hanggang sa tuluyan kang makapangibang bansa.
Cartomancy:
Ten of Diamonds, Eight of Diamonds at Seven of Clubs ang lumabas (Illustration 2.). Ang mga baraha ang nagsasabing sa tulong ng isang dating kaibigan o kaya’y kamag-anak kung mag aaplay ka na sa abroad sa buwan ding ito ng Mayo, tiyak ang magaganap sa susunod na taong 2017 may isang mabunga at mabiyayang pangingibang bansang itatala sa iyong kapalaran.
Itutuloy

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending