INIHAYAG ni presumptive President-elect Rodrigo Duterte ang iba pang iuupong mga opisyal sa kanyang administrasyon.
Sinabi ni Duterte na itatalaga niya ang kanyang campaign manager na si Leoncio “Jun” Evasco bilang secretary to the Cabinet.
Idinagdag ni Duterte na itatalaga rin niya si dating Armed Forces chief of staff Hermogenes Esperon bilang national security adviser, samantalang hihirangin niya si Col. Rolando Bautista bilang pinuno ng Presidential Security Group (PSG).
Sinabi pa ni Duterte na itatalaga niya si dating justice secretary Silvestre Bello II bilang Secretary ng Department of Labor anf Employment (DOLE).
Nauna nang lumutang ang pangalan ni Bello bilang chief negotiator sa usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at National Democratic Front (NDF).
Ayon pa kay Duterte, itatalaga rin niya si Ernesto Pernia sa National Economic and Development Authority (Neda). Nasa University of the Philippines School of Economics si Pernia. Inquirer.net
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.