Final showdown nina Darren, Daryl, Morisette, The Juans, Jason sa ‘107.5 Ultimate Fandom Challenge’ | Bandera

Final showdown nina Darren, Daryl, Morisette, The Juans, Jason sa ‘107.5 Ultimate Fandom Challenge’

Ervin Santiago - May 22, 2016 - 02:00 AM

darren espanto at daryl ong

PAGKATAPOS ng mahigit dalawang linggo ng paglalaban-laban, naghahanda na ngayon ang grand finalists para sa huling showdown ng “Wish 107.5 Ultimate Fandom Challenge”.

Ang magso-showdown para sa sa huling round Ultimate Fandom Challenge ang mga Darrenatics (for Darren Espanto) Juanistas (ng The Juans) Dyfenders (para kay Jason Dy) at ang Mowienatics (ni Morissette Amon), kailangang ipakita nila kung sino talaga ang pinaka-active at pinakamaingay na fandom sa Pilipinas.

Pasok din ang Wish Fandom Survivors na Juan Karlos United Families Club (JK Labajo), Francisnatics (Francis Lim) at Darylnatics (Daryl Ong) para sa 4th, 5th at 6th place runner ups. Ang iba pang fandoms na sumali ay ang Callalista United (Callalily), Esang’s Angels (Esang de Torres), JBKlisters (JBK), Paollowers (Paolo Onesa) at SweetBryterNatics (Bryan Termulo).

Sa ginanap na elimination round, naglaban-laban ang mga kalahok sa pamamagitan ng online voting (50%) at sa Twitter trending battles (50%) kung saan ang faculty ng Ateneo De Manila University’s Department of Mathematics ang nagsilbing tabulating partner ng Wish 107.5.

Nanguna sa round na ito ang fandom ni total performer Darren Espanto kung saan nag-top sila sa online voting at Twitter trending na naganap noong ika-15 ng Mayo. Sila ay nag no.1 sa Philippine trend lists at pang walo naman sa worldwide trends.

Sa darating na June 20 abangan kung ano ang itatanghal na winning fandom. Gaganapin sa Araneta Coliseum, ang mga final contenders ay bibigyan pa ng mas intense na challenges to be judged by prominent figures in the industry.

Makakatanggap ang mga fandoms na umabot sa finals night ng total of P2.3 million, pati na rin ang kanilang chosen artist at mga napiling beneficiaries.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending