Erik Matti sa mga OFW: Kung wala kayong malasakit sa Pilipinas wag nang bumoto!
PINAGTULUNGAN ng mga netizens si direk Erik Matti matapos itong magpakawala ng maaanghang na salita laban sa mga OFW na bumoto noong nakaraang eleksiyon sa pamamagitan ng absentee voting. Kilalang supporter ng mga kandidato ng Liberal Party si direk Erik partikular nina Mar Roxas at Leni Robredo.
Sa kanyang Twitter account, diretsong sinabihan ng direktor ang mga kababayan nating nagtatrabaho sa ibang bansa na walang malasakit at hindi marunong pumili ng mga karapat-dapat na kandidato.
“OFWs kung wala kayong malasakit sa Pinas wag na lang bumoto. Ansama pumili! Anaknang! Wala silang paki kasi di sila nakatira dito! #Dugong,” ang tweet ng direktor.
Hindi raw pabor si direk Erik sa turnout ng overseas absentee voting, kung saan lumamang nga ng milya-milya si presumptive president Rodrigo Duterte sa mga kalaban nito, pati na rin ang vice-presidential candidate na si Bongbong Marcos. “We have all the respect for the sacrifices of OFWs. But the OFWs chose a Marcos overall and i disagree. #wagkayongkuyog,” ang tweet pa ng direktor.
Dito na nga kinuyog ng mga netizen ang direktor at sinabihan ng kung anu-anong masasakit na salita. Ayon sa isa niyang follower, “@ErikMatti 1. Ano po ba ang percentage ng OAV s actual election? 2. Sa pinas nakatira ang pamilya namin. magisip k muna bago magsalita.” Hirit naman ng isang galit na galit na Twitter user, “Love the HT, @MDUnderCoverPH @ErikMatti wag kang padalos-dalos sa sinasabi mo kasi bka masampal ka ng klase ng pagmamahal nmin sa Pinas!”
Sey naman ng isa pa, “Idol kita direk, magaganda ang pelikula mo pero biglang nawala respeto ko sayo sa pag epal mo sa politika. Sino ka para kuwestiyunin ang paniniwala ang prinsipyo ng mga OFW? Hindi mo alam ang mga hirap nila sa abroad kaya shut up ka na lang!”
Bukod dito, pinagso-sorry ng madlang pipol si direk Erik sa mga OFW dahil sa kanyang insensitive comments kasabay ng pag-trending ng hashtag #ApologizeToOFWsMAtti at ang tweet na, “If you feel that @ErikMatti has offended and hurt you, use this HT #ApologizeToOFWsMatti!”
In fairness, meron din namang nagtanggol kay direk Erik. Sabi ng isa niyang follower, “Kanya kanya lang yan ng paniniwala pagdating sa politika and other government issues. Kung sa tingin ni direk Erik hindi tama ang mga kandidatong ibinoto ng mga OFW so be it. Respetuhan na lang. PEACE!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.