28-hour Elections 2016 coverage ng TV5 waging-wagi sa madlang pipol
UMANI ng papuri ang TV5 mula sa mga manonood at netizens para sa 28-hour uninterrupted na coverage nito ng 2016 national elections na nagsimula ng 5 a.m. ng May 9 hanggang 9 a.m. ng May 10.
Katuwang ang ibang miyembro ng MVP Group of Companies, matagumpay na naihatid ng Bilang Pilipino ang wasto at mabilis na resulta, updates at iba’t ibang election-related issues ng nakaraang eleksyon sa sambayang Pilipino.
Ayon kay TV5 President and CEO Emmanuel Lorenzana, “This in-depth election coverage was a product of a right goal, team work, intensive planning and preparation.” Dagdag pa niya, “We wanted the coverage to provide intensive information made available across all media.”
Ang isa sa mga highlights ng coverage na talagang kahanga-hanga ay kung gaano kabilis na naibigay ng network ang mga impormasyon kasama ng election results na inabangan ng milyon-milyong manonood at netizens.
Malinaw na ang partnership ng Kapatid Network sa PLDT at Smart ang naging tulay upang mapabilis ang pagkuha ng results mula sa PPCRV transparency server. Sinabi ni Mediaquest Chairman Manny Pangilinan, “We provided the Telco facilities to PPCRV and we were connected to their transparency server.
We made sure that we had more than adequate computing capability and data analytics which were very important in breaking down the raw data we we’re getting from the transparency server.’’
Maging ang Center for Media Freedom and Responsibility ay pinuri ang Bilang Pilipino election coverage ng TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.