Panalo ng mayor via toss coin inireklamo
BOCAUE, Bulacan — Nais iprotesta ng talunan sa pagka-alkalde sa isang bayan sa Bulacan ang pagkanalo ng kalaban nito sa pamamagitan ng toss coin. Sa 11-pahinang petisyon, nais ni Jim Valerio, dating provincial administrator ng Bulacan, na ipawalang-bisa ng Commission on Elections (Comelec) ang pagkapanalo ng kanyang kalaban na si Mayor-elect Eleanor “Joni JJV” Villanueva sa pamamagitan ng toss coin na pinangasiwaan naman ng Bocaue municipal board of canvassers. Nauwi sa toss coin, na pinapayagan naman ng batas, ang labanan nina Valerio at Villanueva matapos kapwa silang nakakuha ng 16,694 boto nitong nakaraang May 9 elections. Ayon sa Comelec Resolution No. 183, pinapayagan ang pagresolba sa mga “tie” sa pamamagitan ng draw lots, paliwanag ni Boacaue election officer Deogracias Danao.
Pero iginiit ni Valerio na ang proseso ay nabalewala umano. Anya kailangan daw munang i-notify ang magkabilang partido sa loob ng limang araw na merong tie bago i-convene ng MBOC ang isang special public meeting para gawin ang drawing of lots o toss coin.
Ayon naman kay Danao, pinag-usapan muna ng mga abogado ng dalawang kampo ang procedure bago ginawa ang toss coin. Si Villanueva aya anak ng religious leader na si Eddie Villanueva.Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.