Bitoy gumawa ng tula para kay Duterte: Mabuhay ang pangulo, siya na nga! | Bandera

Bitoy gumawa ng tula para kay Duterte: Mabuhay ang pangulo, siya na nga!

Ervin Santiago - May 18, 2016 - 02:00 AM

michael v at duterte sketch

NAG-COMPOSE ng tula ang award-winning comedian na si Michael V para kay presumptive president Rodrigo Duterte. Ipinost ni Bitoy sa kanyang Instagram account ang ginawa niyang sketch ng mukha ni Duterte kalakip ng isinulat niyang tula sa pagkapanalo ni Digong sa nakaraang presidential elections.

Naniniwala raw ang TV host-comedian na malaki ang bilib ng mga Pinoy sa kakayahan ni Duterte para maiangat ang kabuhayan ng bawat Pilipino at masolusyunan ang napakaraming problema ng bansa. Narito ang kabuuan ng tula ni Michael V para sa bagong halal na pangulo ng bansa:

“Mabuhay ang pangulo! Walang iba… s’ya na nga!

“Wala ka nang magagawa, bayan na ang nagsalita.

“Sa bawa’t bagong araw, mayro’ng bagong simula.

“DAPAT TAMA isa-puso sa isip at sa salita.

“Kahit sino mang pangulo ang iluluklok ng bayan

“Di kakayanin ang bigat kundi natin tutulungan.

“Ang mabuting pagbabago na kanyang sisimulan

“Tayo ang magpapatuloy hanggang sa katapusan.

“Awatin na ang dilang masakit magsalita.

“Pakawalan ang pusong makatao ang gawa.

“Manalig kang alam ng Diyos ang mabuti at masama.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“WALANG DAPAT IKATAKOT KUNG ANG GINAGAWA AY TAMA.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending