Island-hopping sa Zambales | Bandera

Island-hopping sa Zambales

Frederick Nasiad - May 15, 2016 - 01:26 PM

TRAVEL5 0515

ANG Pilipinas ay may mahigit 7,000 isla kaya marami kang mapagpipilian kung nais mong mag-island hopping o gumawa ng sand castle sa white beach bago matapos ang summer season na ito.
Kung ikaw ay taga-Metro Manila, hindi mo na kailangan pang dumayo ng Visayas at Mindanao para makapagtampisaw sa mga naggagandahang island beaches at makapaglakad sa mga puti at pinong buhangin.
Ilan sa mga malimit na destinasyon ng mga beach-goers ay ang Batangas, Bataan at Cavite na mabibiyahe mo nang tatlo o apat na oras.
Dagdagan mo lang ng isa o dalawang oras pa ang road trip ay mararating mo na ang Zambales kung saan matatagpuan ang dalawang isla na ikukuwento ko sa inyo ngayon.
Capones at Camara
Matatagpuan sa bayan ng San Antonio, Zambales ang isla ng Capones o kilala bilang Isla de Gran Capon noong panahon ng Kastila.
May layo itong apat na kilometro mula sa Brgy. Pundaquit kung saan naka-station ang mga bangka na maaari nitong arkilahin para sa island adventure na ito.
Maliit lamang ang islang ito pero patok sa mga mahilig mag-selfie.
May bahagi na puti ang buhangin at puwedeng mag-swimming.
Sa silangang bahagi ng isla ay may rock cliff (na bawal daw akyatin sabi ng bangkero/guide namin) at sa kabilang side naman matatagpuan ang Capones lighthouse na itinayo noon pang 1890 (at bawal na rin daw ngayong puntahan ng mga turista).
May kalapit na isla ang Capones. Ito ang Camara Island na mabato rin tulad ng Capones pero may parteng may white beach.
Pero hindi naman ang Capones o Camara ang main attraction ng pagpasyal mo sa San Antonio. Kumbaga, appetizer lang ang islang ito dahil maaari din naman kayong magpahatid sa Anawangin cove o sa Nagsasa cove.
Bagaman kinailangang mag-bangka papuntang Anawangin at Nagsasa ay hindi isla ang mga ito kundi mga cove. Mahirap kasing puntahan ang mga ito by land o by foot (4-5 hours trek from Pundaquit) kaya kailangang mag-boat ride papunta rito para di masayang ang oras.
Around 15-20 minutes lang ang papuntang Capones at 45-50 minutes naman ang papuntang Anawangin at another 30-35 minutes naman patungong Nagsasa.
Kung medyo malalim ang beach sa Capones ay medyo child-friendly naman ang sa Anawangin at Nagsasa.
Ang distinctive feature ng dalawang cove na ito ay ang mga agoho at pine trees sa paligid nito na feeling mo ay nasa Baguio ka pero paglingon mo sa kabila ay may dagat kaya feeling mo nasa Boracay ka pala.
‘Yun nga lang, walang fast food chain o restaurants dito pero puwede naman kayong magdala ng food at drinks.
Anawangin, Nagsasa
Patok din ang Anawangin at Nagsasa sa mga campers at backpackers dahil pinapayagan ang magtayo ng tents dito overnight. Mayroon ding mga tents at cooking utensils na pinapa-rent dito at may palikuran.
Hindi naman kalakihan ang budget mo para trip mo dito sa San Antonio, Zambales. Just prepare P200-P250 per head for the banca plus entry fee na P50 (day tour) or P100 (overnight) sa Anawangin o Nagsasa.
Sa Nagsasa, konteng trek lang ay may mararating kang maliit na waterfalls.
Sa mga interesadong pumunta rito, you can contact Joven Orcino (0919-321-5252 or 0915-959-9595) para i-arrange ang inyong super exciting island-hopping.
May iba pang puwedeng puntahan sa San Antonio like Talisayin cove and Silanguin cove pero hindi na namin ito napasyalan dahil kinapos kami ng oras.
One downside sa lugar na ito ay ang maalon na dagat. Sa mga mahihina ang loob, brace yourself sa malalaking alon that would surely rock your boat. Kayang-kaya namang sakyan ng mga banka ang alon dito kaya lang kung hindi ka sanay ay baka kabahan ka sa biyahe.
May time naman na maamo ang dagat dito pero pagdating ng hapon ay talagang maalon na sa parteng ito ng West Philippine sea.
Potipot
Pero don’t worry. Kung ayaw mo namang maka-experience ng “extreme” boat ride ay may isang isla pa akong isa-suggest sa iyo na tiyak na magugustuhan mo.
Ito ang Potipot Island sa Candelaria, Zambales.
‘Yung nga lang medyo dadagdagan mo lang ng isa’t kahalati hanggang dalawang oras ang biyahe mo para marating ang Brgy. Uacon kung saan matatanaw mo na ang Potipot.
Wala pang dalawang kilometro ang layo ng islang ito mula sa Uacon cove at maamo ang karagatan dito kaya swabe lang boat ride.
Kung magsusuot ka nga ng earphone para makinig sa cellphone mo ay hindi pa natatapos ang pangalawang kanta ay nakadaong na ang bangka sa isla.
Hindi tulad sa San Antonio ay malakas ang signal ng mga cellphone dito at hindi tulad sa Capones, mas malinaw at mas magandang magtampisaw sa beach ng Potipot.
Maaari mo ring maikot ang buong isla ng 20 minuto lamang pero sa dami ng stopover for a selfie or a groupie ay aabutin ka ng mahigit isang oras.
Puwede ring mag-camping sa islang ito pero pinagbabawal ang mag-bonfire.
Ang downside lang ay medyo may kamahalan ang fee dito: P100 for day tour at P300 for overnight. (Take note: walang ibinibigay na resibo at nang tinanong ko ang mga tao doon kung saan napupunta ang mga entrance fee ay hindi nila alam).
Anyway, sulit naman ang mahabang biyahe papuntang Uacon cove at Potipot.
Sa mga hindi trip ang mag-tent o matulog under the stars ay may mga resorts naman sa Uacon Cove.
I can suggest one. Ito ‘yung Harvest Beach Resort. Kumpara sa ibang resort dito ay mas mura ang rates ng Harvest Beach Resort at super friendly and accomodating ang staff nila.
May sariling boat ang resort at ito na rin ang sasakyan ninyo papuntang Potipot for a reasonable fee of P400 good for 5-6 people.
Kuwento nga ng may-ari ng Harvest Beach Resort na si Norman Paringit, seven or eight years ago umpisang nag-boom ang turismo sa Potipot Island. Aniya matapos na ma-feature sa TV ang isla ay dumami na ang nagsipuntahan dito.
‘Yun nga lang, sabi ni Norman, tuwing summertime lang talaga kumikita ang mga resorts dito kaya nga raw to generate interest during off-season ay nakikilahok ang Uacon Cove Resort Owners Association sa Laruk-laruk (pinipig) Festival ng Candelaria kung saan mayroon silang beach party at ibang events tuwing Oktubre.
Bukod sa swimming, ang ibang activities na puwede mong magawa sa Oacon cove ay beach volleyball, snorkelling at kayaking (puwedeng mag-rent ng kayak sa Harvest Beach Resort).
The resort also serves sumptuous dishes at their restaurant which is ran by Norman’s lovely wife Rowena.
For reservations and other querries, you can reach Norman Paringit at 0917-865-0001 or visit their facebook page (The Harvest Beach Resort Zambales).
Tip lang: matamis ang mangga ng Zambales sa may San Rafael at San Narciso at pati na rin ang singkamas sa San Marcelino na mabibili mo sa tabing daan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending