Oklahoma City Thunder pasok sa Western Conference Finals | Bandera

Oklahoma City Thunder pasok sa Western Conference Finals

- , May 14, 2016 - 01:00 AM

OKLAHOMA CITY — Umusad ang Oklahoma City Thunder sa NBA Western Conference finals matapos ilampaso ang San Antonio Spurs, 113-99, sa Game 6 at tapusin ang kanilang semifinal series, 4-2.

Bumida para sa Thunder ang All-Star players nilang sina Kevin Durant na umiskor ng 37 puntos at Russell Westbrook na kumana ng 28 puntos.

Si Steven Adams ay nagdagdag ng 15 puntos at 11 rebounds habang si Andre Roberson ay nag-ambag ng 14 puntos para sa Oklahoma City.

“We knew what we had to do to win the series,” sabi ni Westbrook. “They’re a great team. They’ve been winning for 10-plus years, same pace. I’m just proud of our guys.”

Makakaharap ng Oklahoma City ang defending NBA champion Golden State sa Western Conference finals na magsisimula sa Martes sa Oakland.

Gumawa si Kawhi Leonard ng 22 puntos habang si LaMarcus Aldridge ay nagdagdag ng 18 puntos para sa Spurs.

Nag-ambag naman si Tim Duncan ng 19 puntos para sa San Antonio na nagsagawa ng huling ratsada sa ikaapat na yugto.

Ang San Antonio ay natalo ng isang beses sa kanilang home floor sa regular season subalit tinalo ng Thunder ang Spurs ng dalawang beses sa San Antonio sa kanilang serye.

Matapos itala ng Oklahoma City ang 47-29 kalamangan sa huling bahagi ng ikalawang yugto mula sa 3-pointer ni Westbrook bumira ng tres si Durant para itulak ang kanilang bentahe sa 55-31 sa halftime break.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending