Juancho Trivino palaging hubad sa ‘Magkaibang Mundo’
ANYWAY, sa lahat ng fans ni Louise, muli n’yo na nga siyang mapapanood sa bagong afternoon series ng GMA na Magkaibang Mundo na magsisimula nang umere sa May 23, kapalit ng Wish I May nina Bianca Umali at Miguel Tanfelix. Ito ang unang-unang teleserye nila together ni Juancho na talagang kinarir ang pagpapaganda ng katawan dahil palagi nga siyang topless dito bilang duwende.
Tungkol ito sa isang dalaga na magkakaroon ng espesyal na ugnayan sa isang duwende (Juancho) na siyang tutulong sa kanya para magkaroon ng masaya at makulay na buhay. Ngunit hindi magiging madalali para sa kanila ang lahat dahil nga sa magkaiba nilang mundo. Mala-Cinderalla rin ang kuwento ng serye kaya naman super excited na sina Louise at Juancho sa nalalapit na pagsisimula nito.
“From being a princess, naging slave siya. Talagang grabe ang hirap na pagdadaanan ng karakter ko bilang si Princess. Dream role ko ito, kasi very close siya sa akin dahil daddy’s girl din ako kaya nakaka-relate ako sa kuwento,” ani Louise.
Sa trailer pa lang ng serye, tiyak na magugustuhan ito ng manonood, lalo na ng mga bagets dahil bukod sa tema ng kuwento, may magic and fantasy din ito dahil nga sa mundo ng mga duwende. Kaabang-abang din ang pagkokontrabida ng award-winning actress-director na si Gina Alajar bilang si Noreen na siyang magpapahirap sa buhay ni Princess.
Makakasama rin sa Magkaibang Mundo sina Rez Cortez, Maricar de Mesa, Assunta de Rossi, Dion Ignacio, Louise, Juancho, Isabelle de Leon, Liezl Lopez, Pekto Nacua, Marika Sasaki, Balang, directed by Mark Sicat dela Cruz. Nang tanungin naman si Louise kung totoo ang chika na magdyowa na sila ng vocalist ng bandang Hale na si Champ Lui Pio, mariin naman itong dinenay ng dalaga.
“We’re friends. We’re just friends. Opo. Wala. And I’m a fan of Hale kasi kaya siguro nabibigyan ng kulay. Hindi ako taken. Committed ako ngayon sa trabaho “Yung love, darating din tayo dun, e. May tamang panahon para diyan, di ba? This year for myself and my work.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.