HELLO po Manang and tropa.
Magandang araw po sa inyo. Tawagin na lang po ninyo ako sa pangalang Sha sha,taga Quezon.
Ako po ay isang college student at 18 years old.
Mayroon po akong matalik na kaibigan.
Hindi ko alam kung bakit siya nagseselos at minsan nag-aaway kami.
Mula high sch0ol ay magkaibigan na kami.Nangyayari lang ang mga away namin kapag kaming lahat na magkakabarkada ay mag babonding kahit saan.
Hindi ko po alam kung bakit siya nagseselos kapag kasama namin ang buong magbarkada.
Itatanong ko lang po,marapat bang panatilihin ko siyang matalik na kaibigan?
Sha sha
Magandang araw rin sa iyo Sha sha ng Quezon! Sana ay nakaboto kayo diyan sa Quezon nang maayos.
To your question, kung dapat mo bang panatilihing matalik na kaibigan ang iyong friend since high school – napag-usapan n’yo na ba ang issue na ito at naitanong mo na ba sa kanya kung bakit ganoon ang reaksyon n’ya kapag magkakasama kayong magkakaibigan?
Nasabi mo ba sa kanya ang obserbasyong ito? Inamin ba niya sa iyo na nagseselos nga siya? Mahirap kasi ang mag-assume nang walang confirmation. Siguro ay lambingin mo si bestfriend at pasimpleng itanong ito sa kanya.
Kung ang sagot niya ay positive, maaari sigurong pakinggan mo kung bakit niya iyon issue. May mga tao kaseng likas na selosa or seloso talaga. Ito ay maaaring senyales na talagang mahalaga ka sa kanya o maaari din namang insecurity.
Baka naman pwede pa ninyong pag-usapan at ayusin, hindi ba? Sayang naman dahil ang pagkakaibigan ay mahalagang ingreadient sa isang masayang life. Maybe you have to find out first before you let him or her go. So I say, give this one a chance Sha sha.
Payo ng tropa:
Hello Sha sha. The best mo pa ring gawin bago ka mag-decide na iwan ang best friend mo ay kausapin mo siya. Meron talagang mga friends na posessive, and you can always count on them pagdating sa loyalty. Kausapin mo siya at i-assure na you will always be his or her friend or best friend kahit meron ka pang ibang mga kaibigan. Isang maayos na pakikipag-usap lang ang sagot sa problema mo. Besides hindi mahirap gawin yan dahil unang una best friends nga kayo di ba? Tiyak na mas may maseselang isyu pa kakyong napag-usapan before, kaya madali lang yan.
Lalaine, ng Pasig City
May problema ka ba sa love life, relasyon sa pamilya o kaibigan, pera o kaya ay sa trabaho, tanungin si Manang at ang tropa at baka sila ay makatulong. I-email ang inyong problema sa bandera.manang @gmail.com or [email protected] o i-text ang MANANG, pangalan, edad, lugar at mensahe sa 09999858606.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.