Seafarer nakaasa parati sa Diyos | Bandera

Seafarer nakaasa parati sa Diyos

Susan K - May 13, 2016 - 03:00 AM

ANG Pilipinas pa rin ang tinaguriang “Seafarer’s Capital of the World”. Nangangahulugan itong Pilipino pa rin ang karamihan sa mga naglalayag sa karagatan. Kaya nga madalas na biruang “wala ‘anyang naglalayag na barko na walang Pilipino”. Palaging mayroong nakasakay na Pinoy seaman o di kaya, para naman sa mga landbased OFWs, walang duda na palaging may Pilipino saan mang sulok ng mundo.

Ngunit may kakaibang katangian ang mga seafarer. Ayon kay Admiral Adonis Donato, pangulo ng OSM Maritime Services at matagal ding naging kapitan ng barko ng maraming mga taon kasama ng iba’t-ibang mga lahi na naglalayag sa karagatan, palaging inuuna ‘anya nila ang pasasalamat sa Diyos at madalas na pagtawag sa kaniya sa pamamagitan ng pananalangin. Pinaglalaanan talaga nila ng panahon ang espirituwal na mga bagay.

Ayon naman kay Delia, maybahay ng seaman na 10 taon nang sumasakay, naging maka-Diyos ‘anya ang asawa niya simula nang magbarko ito. Dati-rati ni hindi ‘anya ito nananalangin, ngunit nang maging seaman, laking gulat niya, dahil unang baba pa lamang, agad na itong umusal ng panalangin ng pasasalamat sa hapag kainan.

Sabi nga ng isang kapitan ng barko na ayaw nang magpakilala, hindi totoo ang matagal nang biruan at taguri sa kanilang mga seaman na “Seamanloloko” daw ang mga seafarer.

Sang-ayon naman talaga tayo sa kanila. Hindi maaaring maging pare-pareho ang tao. Pero ang nakatutuwang malaman, sa obserbasyon ng mismong mga nasa industriya maritima, mas malapit ‘anya sa diyos ang mga seaman.

Alam naman nating lahat na kapag sumampa na ng barko ang isang seaman, sinasabi nilang kalahati na ng kanilang buhay, maaaring nasa hukay na.

Totoo naman talagang napakadelikadong magbiyahe sa karagatan. Walang kasiguruhan kung anong klima at mga kalagayan sa bawat bansang daraanan nila. Nariyan pa ang pangamba na maaaring madukot sila ng mga pirata. Hindi na rin biro ang dinanas ng mga seaman at kapamilya nila dahil sa pandurukot ng mga piratang ito kapalit ng malaking halagang ransom na hinihingi nila sa mga principal ng barko kapalit ng ulo ng mga seafarer.

May mga panahon pa ngang hindi nasuwelduhan ang buong crew ng dahil sa ilang milyong dolyar na kailangang ibayad ng may-ari ng barko sa naturang mga pirata.
Pero palagi silang matatag dahil parating sa Diyos umaasa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending