Angel puring-puri ng mga botante sa Q.C., nagtiyaga sa pila kahit mainit | Bandera

Angel puring-puri ng mga botante sa Q.C., nagtiyaga sa pila kahit mainit

Ervin Santiago |May 13,2016
facebook
share this

Angel puring-puri ng mga botante sa Q.C., nagtiyaga sa pila kahit mainit

Ervin Santiago - May 13, 2016 - 03:00 AM

ANGEL LOCSIN

ANGEL LOCSIN

IN fairness, kung puro panlalait at pang-ookray ang tinanggap ng ilang celebrities nitong nakaraang eleksiyon, kabaligtaran naman ang nangyari sa Kapamilya actress na si Angel Locsin.

Puring-puri kasi siya ng mga netizens, lalo na ng mga botanteng Pinoy na nakasabay niyang bumoto noong May 9.

Bukod sa napakabait at napaka-accommodating daw nito sa mga gustong magpa-picture sa kanya, hindi din daw ginamit ni Angel ang kanyang kasikatan para makaboto agad at makaiwas sa mahabang pila.

Base sa mga nabasa naming social media posts bumoto si Angel sa isang presinto sa Commonwealth, Quezon City kung saan bumoto rin ang isa pang Kapamilya star na si Kathryn Bernardo.

Sa kanyang Instagram account, nag-post ang aktres at Pilipinas Got Talent judge ng kanyang litrato matapos bumoto at nilagyan ng caption na: “It’s official! Pwede akong mag complain, hahahaha!? Vote wisely guys! #breakdownsceneangkilikiliko #worthit #halalan2016!”

Dito na maraming nag-comment na IG followers ni Angel at nagsabing saludo sila sa kababaang-loob ng aktres. Talagang kahit mahaba ang pila at matindi ang init ay matiyaga pa rin itong pumila para makaboto. May ilang litrato pa kaming nakita na nakapayong si Angel habang nakapila.

Isang Facebook post naman ang nag-viral sa social media na nagkumpirma sa pagiging role model ng kabataan ni Angel. Isang RanMafz Nunez ang naglabas ng kanyang saloobin tungkol sa aktres. Narito ang ilang bahagi ng kanyang mensahe.

“Kasabay ko po bomoto si Angel Locsin, same Lang precinct namin. Ang bait niya talaga, pumila siya.

“Hindi gaya ni Kathryn Bernardo, pagdating niya dito, hala, wala pang 5 mins, tapos na po siya bomoto.

“Hindi pumila, pasaway na bata, dami nagalit sa kanya homeowners dito sa village namin. Thanks

Angel, ang ganda mo at napakabait. Nagpapagaling pa daw siya as of now.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa pang netizen ang pumuri sa kabaitan ni Angel, aniya, “Yan dapat ang ginagaya ng ilang kabataang artista ngayon na kung umasta akala mo superstar na! Kakaunti pa lang ang napapatunayan pero kung maka-project akala mo nasa rurok na ng tagumpay! Singit pa more! Paselfie pa more! Yan tuloy ang napala n’yo! Mag-seminar kayo kay Angel para matuto na kayo next time!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending