Mga inendorsong kandidato ni matinee idol parehong minalas | Bandera

Mga inendorsong kandidato ni matinee idol parehong minalas

Cristy Fermin - May 13, 2016 - 03:00 AM

BLIND ITEM MALE 0513

MATATAGALAN pa bago tantanan ng kanyang mga bashers ang isang pamosong young actor na kinakakakitaan ng pagiging pasaway ng marami. Hanggang hindi pa natatapos ang init ng mundo ng pulitika ay kailangan pang magtiis-tiis ng batang aktor.

Sinusumbatan siya ngayon, wala na raw siyang lakas na maipagmamalaki, hindi na raw siya ganu’n kainit kaya natalo ang mga pulitikong minanok niya nu’ng nakaraang halalan.

Kuwento ng isang source, “Anobayen? Olat ang mga inendorso niya! Ni hindi man lang dumikit sa nanalo! Ano’ng ibig sabihin nito? Hindi naging effective ang endorsement niya to the tune of how much?” napapailing na sabi ng aming impormante.

Huwag na ‘yun, pati ang itinuturing niyang pangalawang ina ay natalo rin, walang nagawa ang pag-akyat niya sa entablado de-kampanya ng ale na tumakbo sa mas mababang posisyon.

“Akalain mo ‘yun? Sino ang mag-aakala na pati ang isang ikinampanya-sinuportahan niya sa mas mababang posisyon, e, maoolat din pala? Sino ang mag-aakala na wala pala siyang nakabig na boto, samantalang sikat siya at tinitilian kuno?

“Nasaan na ang charisma niya, ang magnet niya sa publiko, bakit hindi naman gumana? Sayang lang pala ang milyones na ibinayad sa kanya nu’ng minanok niya!” sabi naman ng isa pang source.

Hindi na pala ang mga artistang nag-eendorso ngayon ng mga pulitiko ang mas may bigat sa mga botante dahil kung ‘yun ang pagbabasihan ay nanalo sana nang wagas ang mga minanok ng heartthrob nu’ng nakaraang halalan.

Bradly Guevarra, kailangan pa bang i-memorize kung sino ang sikat na young actor na itey?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending