PNoy excited nang umalis ng Malacanang, asikasuhin ang naudlot na love life | Bandera

PNoy excited nang umalis ng Malacanang, asikasuhin ang naudlot na love life

- May 12, 2016 - 05:57 PM

NAGSIMULA nang mag-empake ng kanyang mga gamit si Pangulong Aquino bilang paghahanda sa pagtatapos ng kanyang termino.
Sinabi ni Aquino na nakahanda na siyang umuwi sa kanilang bahay sa Times st., Quezon City.
Katulong ang kanyang mga tauhan, sinisimulan na ni Aquino na ligpitin ang kanyang mga gamit sa Bahay Pangarap at sa Malacanang..
Pero hindi pa niya umano pinaaalis ang kanyang sound system sa Bahay Pangarap dahil ginagamit niya itong panlaban sa stress.
Bago umalis sa Palasyo, plano ni Aquino na anyayahan sa isang pananghalian o hapunan ang mga miyembro ng kanyang Gabinete bilang pasasalamat sa paglilingkod sa kanyang administrasyon.

At ngayong paalis na siya sa pwesto, handang-handa na raw siyang asikasuhin ang naudlot na love life.

Aniya, mayroon na siyang gustong yayain na maka-date oras na magbalik sa normal na pamumuhay.
Hindi naman niya pinangalanan ang gusto niyang maka-date.
Nilinaw din niya na hindi pa niya aktwal na niyaya sa date ang tinutukoy niya dahil naging abala siya sa kampanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending