Heart at Lovi bawal daw mag-guest sa talk show ni Marian
HOW true na nahihirapang makakuha ng guests ang show ni Marian Something as reported by one movie scribe?
Apparently, hindi raw makakuha ng bigating guests ang show kaya naman kung sinu-sino na lang ang nakukuha nitong bisita na hindi naman kasikatan.
At isa pa, ‘yung mga nakaaway raw ng host noon ay hindi rin pala welcome sa nasabing talk show tulad nina Lovi Poe at Heart Evangelista. How true?
Sa social media, ang latest na nakita naming nag-guest ay ang father and son tandem nina Zoren Legaspi at Mavy at Niño Mulach with Sandro and Alonzo. Ang topic yata nila ay pagbibinata.
Actually, wala pang malaking name ang nag-guest sa show ni Marianita. How come? Hindi ba’t siya ang biggest star ng number two network sa bansa?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.