People’s Action Center | Bandera

People’s Action Center

Susan K - May 11, 2016 - 03:00 AM

MATAGAL na ring nilayon ng pamunuan ng Bantay OCW Foundation, Inc. ang pagtatatag ng isang sentro o lugar kung saan magsisilbi itong takbuhan ng ating mga kababayan, maging ng mga dayuhan na naninirahan sa ating bansa, hinggil sa kahit anong problema na kanilang kinakaharap. Nais namin itong tawaging People’s Action Center.

Nakalulungkot na napakarami nating mga kababayan ang tahimik na nagdurusa na lamang sa mga problemang sa akala nila’y wala nang magmamalasakit pang tumulong sa kanila.

At ano-ano nga ba ang mga problemang sa palagay nila ay wala na silang matatakbuhan pa?

Una, hindi nila alam kung ano ang solusyon sa kanilang problema. Hindi nila alam kung anong tamang gawin at kinakailangang gawin at kung saang mga tanggapan dapat sila lumapit.

Pangalawa, ang malaking takot na nadarama nila na kapag nagsumbong sila laban sa mga taong nang-aabuso sa kanila, mapapribado o laban sa mga taong gobyerno man.

Kaya sa halip na magsumbong, hahayaan na lamang nilang magtiis sa dusa at kawalang-katarungan na nararamdaman sa pag-aakalang matatapos din ang lahat, kahit wala naman silang ginagawa.

Pangatlo, ang kawalan ng sapat na salapi upang tustusan ang mga gastusing kaakibat sa paglutas sa problema, lalo pa’t malaking halaga ang kakailanganing pera upang makakuha ng magaling na abogado na magtatanggol sa kanila.

Tulad na lamang ng isang Pinay na asawa ng isang dayuhan na hinayaan na lamang niyang makulong ang asawa gayong alam nilang na-frame up lamang sila.

Nariyan din ang kaso ng mag-asawang ninais lamang maging mga magulang sa pamamagitan ng pag-aampon. Ang anim na buwan na proseso, tumagal na ngayon ng tatlong taon. Reklamo nila, wala silang madamang pagmamalasakit man lamang mula sa mga taong akala nila’y tunay din ang hangaring matulungan sila at agad na maging legal ang pag-aampon sa batang pinaka-aasam-asam.

Patuloy pa rin ang lumang estilo ng mga kumpanyang magte-text sa ating kabayan at sasabihing nanalo sila ng kung anong papremyo at dapat na nilang makuha agad ang napanalunan sa mismong araw ding iyon.

Saka lamang matatauhan ang ating kabayan na napabili na pala sila ng kung anumang produkto ng kumpanya at huli na upang mabawi nila iyon dahil na-swipe na sa kanilang mga credit card.
Ilan lamang iyan sa mga problemang tutugunan ng inyong People’s Action Center. Kaagapay ang Inquirer Group, handa po kaming magserbisyo sa ating mga kababayan sa abot nang aming makakaya.
Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM mula Lunes hanggang Biyernes alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, mapapanood rin sa live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq. Helpline: 0998.991.BOCW Website: bantayocwfoundation.org E-mail: [email protected]/ [email protected]

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending