Pekeng trabaho sa UK | Bandera

Pekeng trabaho sa UK

Liza Soriano - May 11, 2016 - 03:00 AM

MAGANDANG araw po sa Aksyon Line. Gusto ko lang po sana na i–share ang nangyari sa kapatid ko dahil muntik na siyang maging biktima ng pekeng trabaho. Sa paghahanap ng trabaho sa pamamagitan ng internet ay may nahanap siyang trabaho na nangangailangan daw po ng mga manggagawa sa sa United Kingdom. Sa pamamagitan po nang pag-post sa internet sa mga bakanteng trabaho. Mag-aaplay po sana siya bilang caregiver sa UK, pero buti na lamang at may nakapagsabi sa kanya na i-check muna sa POEA kung legitimate ang kumpanya at ang trabaho na iniaalok nito. Tama po ba ang ginawa ng kapatid ko?

Andrea Padua
Brgy. Sipac, Navotas City

REPLY: Ms. Padua tama lamang ang ginawa ng iyong kapatid na i-check sa website ng POEA kung lehitimo ang kumpanya at maaaring tumawag sa ahensiya kung lehitimo ang mga trabaho na kanilang iniaalok.

Tunay ngang marami ang manloloko at ginagamit ang social media sa kanilang modus operandi.
Nadiskubre rin namin sa isang Facebook account, na ginagamit ng scammer ang pangalan ng isang licensed recruitment agency sa Pilipinas, ang nangangalap ng aplikante para magtrabaho bilang factory worker, driver, gardener, cleaner, caregiver, nanny at private nurse sa UK.

Matapos beripikahin sa database ng POEA, ang job order ng nasabing agency sa UK ay para lamang sa nurse at karamihan ay para sa National Health Services (NHS).

Ang ganitong anunsiyo ay hindi na dapat pansinin ng mga nanghahanap ng trabaho dahil ito ay malinaw na panloloko.

May mahigpit na migration policy ang United Kingdom at isa sa mga patakaran ay hindi pinapayagang kumuha ng manggagawa mula sa mga bansang hindi kabilang sa European Economic Area (EEA) para sa mga trabahong pambahay. Ang Pilipinas ay hindi bahagi ng European Economic Area. Kaya mahalagang maging mapanuri sa mga bakanteng trabaho na inaanunsiyo at ipino-post sa internet.

Administrator Hans Leo Cacdac
Philippine Overseas
Employment
Administration (POEA)
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected], [email protected] or jenniferbilog97@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.

Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending