Ai Ai, Aiko, Joyce at LJ abay sa kasal ni Rufa Mae sa November | Bandera

Ai Ai, Aiko, Joyce at LJ abay sa kasal ni Rufa Mae sa November

Ervin Santiago - May 10, 2016 - 02:00 AM

ruffa mae

SA November somewhere in Ortigas na ikakasal si Rufa Mae Quinto sa kanyang fiancé na si Trevor Magallanes. Super excited na raw ang sexy comedienne sa kanilang wedding at wish niya na sana’y maging perfect ito.

Naikuwento ni Rufa Mae na ilang mga kaibigan niya sa showbiz ang magiging bahagi ng kanyang kasal, at natutuwa siya dahil excited na rin daw ang mga ito sa kanyang big event. “‘Yung sa kanya puro taga Amerika. ‘Yung sa akin from the Philippines. Si Ai Ai delas Alas, Aiko Melendez, Joyce Jimenez, LJ Moreno, Wendy Tabusalla, ‘yung ilan kong nakausap,” sey ng komedyana sa isang panayam.

Chika pa ng Kapuso star, napili nila ang buwan ng November dahil ito rin daw ang birth month ni Trevor. Kuwento pa ni Rufa Mae, wala pa silang balak mag-honeymoon sa ibang bansa, baka raw iikutin muna nila ang magagandang lugar dito sa Pilipinas.  Nagdesisyon din ang future husband and wife na dito sa Pilipinas gawin ang wedding at hindi sa Amerika dahil mas gusto nilang maraming close friends nila ang makapunta.

“Kaya dito ko gagawin para ma-involve ko ang lahat eh kasi ito ang buhay ko eh bakit isi-secret. Tsaka masaya na makita nila ako na maligayang maligaya na talaga, na lalagay na sa tahimik talaga kasi nasaksihan nila ang ups and downs.”  Kahit daw kasal na siya, wala pa sa plano ang pagku-quit niya sa pag-aartista, “Tuloy pa rin naman siyempre showbiz na ‘ko eh,”

Plano na rin ba nilang magkaanak agad? “Hindi naman sobrang nagmamadali pero mga after one or two years ganyan. Hindi naman agad-agad kasi ayaw ko rin naman i-pressure namin ang sarili namin,” sagot nito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending