Payo ni Lola Nidora sa Aldub: Galingan ang akting sa Italy! | Bandera

Payo ni Lola Nidora sa Aldub: Galingan ang akting sa Italy!

Ervin Santiago - May 10, 2016 - 02:00 AM

wally yaya

NASA Italy na ang magka-loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza at naghahanda na para sa shooting ng kanilang latest movie. Last Sunday lumipad patungong Europe ang dalawang co-hosts ng Eat Bulaga kasama ang buong production ng APT Entertainment na ididirek naman ni Mike Tuviera.

Kahapon sa kalyeserye episode ng Eat Bulaga, nakausap nina Lola Nidora (Wally Bayola) at Lola Tidora (Jose Manalo) si Yaya Dub at nagkuwento nga ito tungkol sa gagawin nilang pelikula ni Alden sa Italy.
Ayon kay Maine, nagpapahinga pa raw si Alden kaya siya na lang muna ang tumawag para makausap ang kanyang mga lola. Anang dalaga, “Nami-miss ko na kasi kayo lola. Sana makapunta rin kayo dito. Ang ganda-ganda rito lola!”

Payo naman ni Lola Nidora kay Yaya Dub, galingan nila ni Alden ang kanilang akting kapag nagsimula na silang mag-shooting. Bago ito, nagpaalam muna sina Maine at Alden sa AlDub Nation dahil ilang araw din silang mawawala sa Eat Bulaga. Kailangan daw kasi nila talagang lumipad patungong Italy dahil doon kukunan ang mahahalagang eksena nila sa movie.

Sey nga ni Lola Nidora, “Nakausap ko si Direk Mike, mahalaga na doon talaga sila magsu-shoot. Bahagi ng istorya yun pero may mga eksena rin naman na kukunan dito sa Pilipinas.” Sabi ni Maine, huwag daw mag-alala ang fans nila ni Alden dahil pagkatapos nilang mag-shooting ay babalik agad sila sa Pilipinas. Sey pa ni Yaya Dub, “Ang bilis nga po ng panahon kasi wala pang one year na magkakasama tayo… araw-araw magkakasama tayo, tapos ngayon mawawala kami ni Alden. Babalik naman po kami, kasi gagawa lang naman po kami ng pelikula.”

Sey naman ni Alden, sana raw ay patuloy na suportahan ng AlDub Nation ang loveteam nila ni Maine, “Sana po patuloy niyo kaming suportahan ni Maine sa lahat ng ginagawa namin. Nandito lang po kami para sa inyong lahat, anumang pagsubok, walang bibitiw.”

Wala pang naikukuwento sina Alden at Maine kung ano ang tema ng kanilang pelikula pero ayon mga kumakalat na chika, romantic-comedy ito na may kaunting drama. Basta feel good movie raw ito na tiyak na magugustuhan ng kanilang mga tagasuporta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending