Kailan makakaahon sa kahirapan? (2)
Sulat mula kay Cheng ng Gelerang Kawayan, San Pascual, Batangas
Problema:
1. May trabaho naman ang mister ko, isa siyang driver, kaya lang lagi pa rin kaming kinakapos. Lima na kasi ang mga anak namin at lahat ay nagsisipag-aral. Kaya sa ngayon upang makaraos napipilitan akong mangutang ng mangutang kung kanikaninong tao, kaya sa ngaon nabaon na kami sa mga pagkakautang. Naaawa na nga po ako sa mga anak ko, kasi kung minsan ay sumasala kami sa pananghalian.
2. At ang isa pang inaalala ko, magpapasukan wala man lang kaming ipon pera para ipang-enroll ng mga bata. Sana sa pamamagitan ng inyong kaalaman malaman ko ang paraan kung paano kami makakaahon sa kahirapan at umunlad man lamang kahit na bahagya ang aming buhay. March 8, 1980 ang birthday ko.
Umaasa,
Cheng ng Batangas
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Pisces (Illustration 2.) ang nagsasabing wala sa sariling bayan ang pag-unlad at magadnang kapalaran, kundi nasa malayong lugar. Kaya nga kung hindi ka aalis sa kasalukuyan nyong tinitirahan, malabo kang umunlad at makaahon sa mga kahirapan at mga pagkakautang.
Numerology:
Ang birth date mong 8 ay nagsasabing sa patuloy na pagsisikap sa ibang lugar doon mo matatagpuna ang lubos na pagunlad hanggang sa tuloy-tuloy kang yumaman, na magsisimulang mangyari at maganap sa sandaling nakapag-abroad ka sa susunod na taong 2017.
Luscher Color Test:
Upang mas lalo mo pang makamit ang pag-unlad, kapag nasa ibayong dagat ka na ugaliing gumamit ng kulay na berde at dilaw. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay sa iyo ng dagdag pang suwerte at mas magagandang kapalaran.
Huling payo at paalala:
Cheng nakatakda na ang magaganap, kung susundin mo ang simpleng rekomendasyon inilahad na sa itaas, lumayo ka sa sinilangan mong bayan at mag-aplay ka sa abroad, kapag nagawa mo yan, tiyak na ang magaganap – sa malayong pook, makakasumpong ka ng kakaibang suwerte at kasagaaan, sapat upang mapagtapos mo sa pag-aaral ang iyong mga anak, hanggang sa tuloy-tuloy ng umunlad at makaahon sa kahirapan ang inyong pamilya na magsisimulang mangyari at maganap sa taong 2017 sa edad mong 37 pataas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.