Mga sikat nakiisa sa Eleksiyon 2016, muling humiling ng dasal | Bandera

Mga sikat nakiisa sa Eleksiyon 2016, muling humiling ng dasal

Ervin Santiago - May 10, 2016 - 02:00 AM

kris kim lovi

KAHAPON ilang celebrities ang maagang nagpunta sa kania-kanilang voting precincts para maagang makaboto.

Ilan sa mga ito ay sina Heart Evangelista kasama ang asawang vice-presidentiable na si Sen. Chiz Escudero sa Sorsogon City, Susan Roces, Mariel Rodriguez, ang mag-asawang Maricar Reyes at Richard Poon at Aiza Seguerra na mga kilalang tagasuporta ni Rodrigo Duterte.

Bago naman magtanghali, bumoto rin sina Anne Curtis, Karla Estrada, Kris Aquino, Matteo Guidicelli, Kim Chiu,. Lovi Poe, Rowell Santiago, Sheryl Cruz at Ruby Rodriguez. Nagpaalala pa ang mga ito na patuloy na ipagdasal ang Eleksiyon 2016 para masigurong magiging tahimik ang halalan.

Hindi rin sinayang nina Kean Cipriano, Erich Gonzales, Teddy Corpuz, Edu Manzano, Marjorie Barretto, Herbert Bautista, Rodjun Cruz, Amy Perez at Patrick Garcia ang kanilang karapatan para makaboto.

Marami namang mga artista ang hindi nakaboto dahil hindi raw sila nakapagpa-biometrics o nakapagpa-update ng kanilang personal informations sa Comelec.

Meron namang mga celebrities na hindi bumoto kahit na legit na botante sila dahil meron na raw silang previous commitments na hindi nila pwedeng ipagpaliban dahil sila naman ang madedemanda kapag nagkataon. Pero umaasa sila na sana’y manalo ang deserving na mga kandidato. – EAS

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending