‘Susundin ko ang batas ni Rodrigo Duterte kapag siya ang nanalo!’ | Bandera

‘Susundin ko ang batas ni Rodrigo Duterte kapag siya ang nanalo!’

Jobert Sucaldito - May 10, 2016 - 02:00 AM

digong web

FINALLYay nakapag-cast na ng boto ang milyon-milyon nating mga kababayan sa kung sino ang dapat mamuno sa bansa, local and national level kaya wait and see na lang tayo kung sino ang mananalo.

Kaniya-kaniya tayo ng manok sa eleksiyon at kung natatandaan niyo pa, sari-saring mga pasaringan ang naganap during the campaign period. Some severed friendships just because of some disagreements on some specific issues. Nakakaloka! Hindi ko maubos-maisip kung paano ako halos ilibing ng ilang netizens nang buhay dahil magkakaiba kami ng opinyon.

Pag sila ang mag-opinyon, dapat ay irespeto mo pero pag ikaw na ang mag-opinyon, automatic mali ka na agad. Napaka-selfish, di ba? Napaka-one-sided nang labanan. Hindi mo alam kung matatawa ka o mabubuwisit. Kaya ako, deadma na ako sa kanila. I don’t really care about them anymore.

Marami kasi talagang bobo sa bansa natin – no offense meant sa iba ha, nakakaloka kasi out of context ang arguments nila. Makapambuska lang. Yung iba naman ay nangsu-sway kahit alam naman nilang hindi totoo ang pinagsasasabi nila about their favorite politicos. Kaya dama namin ang sobrang lungkot at pangamba sa 2016 elections na ito.  Ipagdasal na lang natin na ang mga mananalo ay magsilbi nga nang maayos – na tuparin ang mga pinangakong serbisyo peacefully – PEACEFULLY ha, hindi BLOODY!

Ilan sa mga kaibigan ko ang humihimok sa aking si Duterte na raw ang iboto ko dahil marami na raw sila. Hindi ko nakuhang magalit sa kanila bagkus ay natawa lang ako nang malakas. Sobrang naaawa ako sa kanila dahil iyon lang pala ang basehan kung bakit marami sa kanila ay boboto kay Duterte.

Kung nagkataon palang konti ang may gusto kay Duterte ay lilipat sila sa iba. Kasi nga, para sa akin hindi ito padamihan ng boto. Hindi porke marami ang boboto sa kaniya ibig sabihin ay tama siya o tama sila. Ang gusto kong iboto ay ang isinisigaw ng konsiyensiya ko, hindi yung taong gusto ng iba para sa akin.

Oks lang sa akin ang halimbawa ma’y matalo ang kandidato ko. Ang magiging kalaban ko lang niyan one day ay sarili ko kung ang iboboto ko ay ang yung labag sa kalooban ko. Baka hindi ko mapatawad ang sarili ko pag hindi ko sinunod ang nasa isip at puso ko.

Ayoko sa mga taong kakabig lang dahil liyamado na sa mga oras na iyon. Losing in numbers doesn’t necessarily mean losing the game. Choosing a good leader is not a game of chance – pinag-aaralang mabuti iyan. Lalo na sa pagkapangulo. Maraming considerations diyan. Madaling sabihing ipapapatay mo ang mga kriminal, na babaguhin mo ang mukha ng bansa sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan o taon. Mananatiling mga pangako ito hangga’t hindi mo naisasakatuparan.

q q q

Bibilib lang ako one day kung matutupad ni Duterte ang kanyang promises na matagal ko nang narinig sa halos lahat ng pulitikong tumakbo in my 52 years of existence on earth. Ayokong maliitin ang kakayahan niya pero ayoko lang talaga ng isang ama ng bansa na walang takot sa Diyos dahil pati Santo Papa ay kaya niyang murahin.

Ayoko lang ng isang lalaking kahit patay na ay pagnanasahan pa. Ayoko rin ng amang palamura. Ang isang tunay na lalaki ay marunong magsalita nang mahinahon, nag-iisip nang matino at hindi kailangang maging barumbado. Sakaling si Duterte ang manalong pangulo, susunod ako sa batas niya dahil responsibilidad nating mga mamamayan ang sumunod sa utos ng Diyos at ating pamahalaan para sa ikauunlad ng ating buhay.

I’ve always been a law-abiding citizen kaya wala akong isyu sa ganyan. Basta ayoko lang talaga sa kaniya, mali ba iyon? Kung mali iyon, so kayo ang tama? Hindi ba puwedeng igalang ang choice ko, ang choice ng marami sa amin? So, kayo na ang tama? O di pakasalan niyo si Digong kung gusto ninyo. Kung gusto ninyo, makipag-live in pa kayo sa kanya.

May pumipigil ba sa inyo? Kaya huwag niyo kaming turuan. Hindi padamihan ito, lahat tayo ay gusto ng matinong pamumuhay pero sa ilalim sana ng isang taong may puso at may takot sa DIYOS. Period. Since election days is over at naghihintay na lang tayo ng resulta, walang barubalan. Kung sino ang lalabas na winner, irespeto. Yung hindi pinalad, baka meron pang next time. Kung may next time pa, ha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasi pag si Duterte nga ang mananalo, malamang na wala ng next elections. Marami ang magaganap tiyak sa bansang ito – baka hindi na tayo umabot pa sa next elections. What I am just praying right now, when the next election comes and I’m no longer part of it, ilalambing ko kay Lord na gabayan ang anak kong si Carlo Brian dahil he’s just 15 years old now and he has a long way to go – loooooong struggles in life na this early pa lang ay pinaghahandaan ko na.

Kasi nga, di ba, kung tayo lang ay oks na. We’ve lived a full circle already – ang dasal lang natin ay magabayan nang tama at lumaking mabubuti at komportable ang mga anak natin.  If this is God’s will, so be it! Tatanggapin kong maluwag sa dibdib ko kung siya talaga ang itatalaga ng Diyos. Baka sinusubukan lang Niya ang pananampalataya natin sa Kaniya. Basta ako, I will pray that Duterte becomes Godly in time. Thanks ha. Mwah!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending