Sharon: Di Ako Sanay Na Binabastos Ako!
NAGING peaceful at nawala ang stress sa buhay ni Megastar Sharon Cuneta mula nang mag-lie low siya sa paggamit ng social media.
Maraming realizations si Mega nang iwasan na niya ang pagpo-post ng kanyang mga saloobin sa Facebook at Twitter. Kung matatandaan, talagang sinasagot ng mommy ni KC Concepcion ang mga bashers niya, lalo na kapag below the belt na ang mga tira sa kanya.
“I don’t read na, parang sabi ko naka-survive ako ng dalawang dekada na wala naman ‘yang social media, sumikat naman ako,” pahayag ni Shawie nang humarap siya sa entertainment media sa presscon kamakailan para sa pagpasok niya sa The Voice Kids Season 3 bilang judge.
Hirit pa ng Megastar, “Bakit ba ako nagsisiksik ng social media, huwag na lang. Facebook I enjoy but I haven’t really posted anything in a few months now.” Dagdag pa ng singer-actress-TV host, “Hindi kasi ako sanay na binabas tos ako. So hindi na, okay na ako ngayon, kalmado na ako ulit.”
Natanong din siya kung ano ang reaksiyon niya kapag naba-bash din si KC dahil sa timbang nito, nagtatakang sabi ni Mega, “Does she get bashed because of her weight? I feel sometimes she’s too thin. Siguro iba kasi ang bone structure naming dalawa.
“Si KC she got her papa’s built, she was a swimmer, so siguro payat na payat siya in person na nakikita niyo naman, I don’t know, sobra naman ayoko namang magmukhang patpat na buto ‘yung anak ko,” natatawang chika pa ng aktres.
Ayon pa sa Megastar, madalas talo ang mga artista kapag pumatol sa mga bashers dahil hindi naman daw lahat ng netizens ay totoo ang inilalagay sa kanilang mga profile. “There will always be bashers and there will always be kasi you don’t know who they are so siyempre matapang sila eh tayo sanay tayo sa harapan,” sey pa ni Mega.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.