Andi sumabog ang galit matapos tawaging 'Pangit' ang anak | Bandera

Andi sumabog ang galit matapos tawaging ‘Pangit’ ang anak

Ervin Santiago - May 08, 2016 - 02:00 AM

andi eigenmann

 

SUMABOG uli ang galit ni Andi Eigenmann matapos laitin at i-bully ng ilang netizens ang kanyang apat na taong gulang na anak na si Ellie.

Hindi na napigilan ng aktres ang mabwisit sa ginagawang pambabastos ng ilan niyang followers sa social media laban sa kanyang inosenteng anak. May mga nagkomento kasi ng hindi maganda sa picture ni Ellie na ipinost niya sa kanyang Instagram account na kuha raw sa endorsement shoot ng bata – ayon sa isang basher lumalaki raw pangit ang bagets.

Siyempre, bilang ina ay nasaktan si Andi at ipinagtanggol ang walang kamalay-malay na bata. Sa kanyang Twitter account sunud-sunod ang naging pahayag ng aktres, “To those who are insulting my 4 yr old, Hiyang hiya naman ako sa gaganda ninyong lahat!

Dagdag pa ng anak ni Jaclyn Jose, ipagdarasal niya nang taimtim ang mga taong walang ginawa kundi ang mam-bash sa social media, lalo na ang mga walang patawad sa mga inosenteng bata. Hirit pa ni Andi, “I hope and pray that you irrelevant people find better things to do w your life than wasting it being so envious even with an innocent child.

“Pst. Magbabago na presidente natin ohhh. Ikaw? Kelan ka magbabago? Wala sa presidente ang pag unlad ng bansa, nasa atin,” dugtong pa ng dalagang ina. Bago ito, naging malaking isyu rin ang ginawang pambabastos ng isang Facebook user sa anak nina Melai Cantiveros at Jason Francisco na si Mela.

Sinabi nitong sana raw ay ma-rape ang bata dahil lang si Mar Roxas ang napiling kandidato sa pagkapangulo ng mag-asawa. Nagbanta naman si Melai na kakasuhan ang nasabing netizen at hihingi talaga siya ng tulong sa DSWD at Bantay Bata.

 

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending