Pacman-Mayweather rematch niluluto na | Bandera

Pacman-Mayweather rematch niluluto na

- May 04, 2016 - 03:00 AM

 

floyd mayweather

LAS VEGAS — Isang taon na ang nakalilipas nang magharap sina Manny Pacquiao at Floyd Mayweather Jr. para sa pinakamalaki at pinakaaabangang sagupaan sa kasaysayan ng boxing bagaman maraming nanood ang nadismaya sa ipinakita ng dalawang fighters na ito.
Ngayon ay may umuugong na balita na magka-karoon sila ng rematch at kasalukuyang kinukum-binsi sina Pacquiao at Mayweather na pumayag na magharap muli.
“I would say there is a possibility a rematch happens, yes,” sabi ng promoter ni Pacquiao na si Bob Arum kahapon. “How big a possibility that is, I can’t really measure.”
Nauna nang nagpahaging si Mayweather sa isang panayam sa Showtime na may pusibilidad na bumalik siya mula retirement sa tamang presyo. Dagdag pa niya, nakausap na niya ang mga taga-Showtime at CBS patungkol sa isa pang boxing match at aniya, “some crazy numbers have been thrown my way.”
Bagaman hindi tinukoy si Pacquiao bilang kanyang makakalaban ay sa wari ng karamihan ay wala namang iba pang puwedeng ipantatapat sa kanya na kikita ng malaki ang isang fight card.
“If I came back, of course, it would have to be a nine-figure payday and probably a championship fight and a nine-figure payday,” sabi ni Mayweather.
Gayunman, sinabi ni Showtime executive vice president Stephen Espinoza na hindi siya naniniwalang lalabas mula retirement si Mayweather bagaman naniniwala siyang kikita pa rin ng malaki ang Pacquiao-Mayweather rematch.
“All of us here would love to see that fight again, or any other fight with Mayweather,” sabi ni Espinoza.
Noong isang taon, umani ng record 4.6 million pay-per-view buy ang kanilang laban pero marami ang hindi nakuntento sa kinalabasan ng laban.
Nanalo sa labang iyon si Mayweather via unanimous decision pero pinuna ng karamihan ang estilo niyang takbo nang takbo para hindi matamaan ni Pacquiao. Inamin din ni Pacquiao pagkatapos ng labang iyon na may ininda siyang injury sa balikat.
Si Mayweather ay may kartadang 49 panalo at walang talo. Katabla niya ang boxing legend na si Rocky Marciano. Kung nais niyang masolo ang world boxing record na ito ay kailangan niyang lumaban muli para makuha ang win No. 50.
Si Pacquiao naman ay tumatakbo sa pagka-senador ng bansa pero sakaling ialok sa kanya ang malaking fight purse at ang pagkakataong maka-resbak kay Mayweather ay baka kagatin niya ito.
“Obviously he’s coming back,” sabi ni Arum patungkol kay Mayweather. “And I can’t see him making the kind of money he’s talking about with anybody other than Manny.”
Ang unang laban ng dalawa ay kumita ng $600 milyon at naniniwala ang ilan na kikita pa rin ang kanilang rematch.
Ang tanong: Makum-binsi kaya nila sina Pacquiao at Mayweather?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending