Hinarang ng prosekusyon ang hiling ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., na makaboto sa Cavite sa Lunes.
Ayon sa prosekusyon, abala na ang Philippine National Police sa halalan, para maasikaso pa ang pag-escort kay Revilla patungo sa kanyang polling precinct 0469-A sa Bacoor, Cavite.
Hiniling ng prosekusyon sa Sandiganbayan First Division na tanungin ang Commission on Elections at PNP at kapag sinabi ng mga ito na magiging mahirap ang pagboto ni Revilla sa Cavite ay huwag ng pagbigyan ang hiling nito.
“The safety and security of the accused, as well as the other voters, in the polling precinct is therefore a serious matter of concern that must be addressed, before accused-movant may be allowed to cast his vote,” saad ng prosekusyon.
Sinabi ni Revilla na walang special polling place na malapit sa Custodial Center ng PNP kaya nais niyang pumunta sa Cavite.
Tumatakbo ang misis ni Revilla na si Cavite Rep. Lani Mercado-Revilla bilang mayor ng Bacoor at ang anak niyang si Jolo sa pagka-bise gubernador.
Si Revilla ay nahaharap sa plunder case kaugnay ng P224.5 milyong kickback na natanggap umano nito mula sa non-government organization ni Janet Lim Napoles kung saan napunta ang kanyang mga Priority Development Assistance Fund.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending