ANGELICA walang hiya-hiya, bakat na bakat ang boobs | Bandera

ANGELICA walang hiya-hiya, bakat na bakat ang boobs

- January 25, 2013 - 04:09 PM

 

angelica panganiban

“WET look” ang isa sa mga peg ng kaseksihan ni Angelica Panganiban sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Apoy Sa Dagat na magsisimula na ngayong Feb. 4 (kapalit ng magtatapos ng Kahit Puso’y Masugatan).

Sa trailer n a ipinakita during its grand presscon, namumutakti ang mga seksing eksena ni Angelica with her two leading men na sina Diether Ocampo at Piolo Pascual.

At dahil may “dagat” backdrop ang soap, normal lang talagang makita ang isang tao, lalo pa’t babae in her wet look.

Talaga namang bakat na bakat ang maalindog na katawan at dibdib ni Angelica sa kanyang mga eksena.

May nagtanong nga kung hindi ba naisipan ng production na huwag nang pagsuutin ng bra ang dalaga para mas maging makatotohanan dahil mas marami raw mga babaeng hindi nagba-bra sa probinisya.

“Hindi na kailangang gawin. Una, for TV ito at alam nating hindi yun puwede.

The story can stand on its own at sa husay ng mga artista dito, hindi mo na mapapansin yung mga ganu’ng bagay,” tsika ng direktor nitong si FM Reyes.

Ang chika naman ni Angelica, “Naku, kapag nangyari iyan baka magkagulo na.”

Mangingisda ang role ni papa Piolo na umibig sa isang katauhan ni Angelica bilang si Serena.

Ang isa pang karakter ni Angelica ay si Rebecca na mai-involve naman sa karakter ni Diet, ang mayamang kapatid ni Adriana (Angel Aquino) na abot-langit ang galit kay Rebecca.

Inamin ni Angelica na mas nagkaroon siya ng malisya kay Piolo sa mga ginawa nilang love scene, kesa kay Diet, aniya, “Si Diether kasi sa dami na ng pinagsamahan namin, parang nasanay na ako sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya inaamin ko, mas nagkaroon ako ng apoy sa dagat kay Papa P. Ha-hahaha!” ang paliwanag ni Angelica.

Kasama rin sa Apoy Sa Dagat sina Angel Aquino, Aiko Melendez, Sylvia Sanchez, Melai Cantiveros at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending