Gerald isasali sa serye nina Kim At Xian?
PAYAG si Gerald Anderson na mag-guest o magkaroon ng special appearance sa teleserye ng ex-girlfriend niyang si Kim Chiu at ni Xian Lim sa ABS-CBN Primetime Bida.Ayon sa Kapamilya hunk actor, siguradong matutuwa ang mga tagasuporta nila ni Kim kapag umapir siya sa The Story Of Us na napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Dolce Amore.
May mga nababasa kasi kaming mga komento sa social media mula sa mga fans ni Kim na sana raw ay mag-guest man lang si Gerald sa The Story Of Us at natitiyak daw nila na mas lalo pang tataas ang rating nito kapag nangyari ito.
“That would be nice. I’ve only seen one episode and maganda yung show. Basta nasa New York na sila. Alam mo mag-sa-start ako ng bagong show eh so I don’t know how that would work out.
“I would love to work with Kim again and of course with Xian too. It would be very exciting for the fans. Ha-hahaha! Yun lang ang masasabi ko. I don’t know, maybe in the future?” ang pahayag ni Gerald sa interview ng Push.com.
Ang tinutukoy na bagong show ni Gerald na kanyang gagawin sa Kapamilya network ay ang bago niyang teleseryeng Because You Love Me kung saan makakasama niyang muli si Jake Cuenca at ang magaling na aktres na si Yen Santos na nagbida noon sa All Of Me with JM de Guzman and Albert Martinez.
Ayon kay Ge, looking forward siya na makasama uli si Jake sa Because You Love Me ng Dreamscape Entertainment, at excited naman siya na makatrabaho for the first time si Yen sa isang soap opera. Nagkasama na noon sina Gerald at Jake sa mga seryeng Tayong Dalawa (2009) at Sana Maulit Muli (2007).
“Ang tagal na namin gustong magsama ulit, e. Nagpi-pitch na kami, nag-iisip kami ng konsepto. And then this came along. Si Jake ang unang nagconfirm bago ako, e. Ito nakakatawa, nagconfirm si Jake tapos pinitch sa akin,” kuwento ng binata sa presscon ng Dreamscape kamakailan. “Tapos that night lumabas ako with friends, nakita ko si Jake sa bar. Lumapit agad si Jake, tanong niya sa akin, ‘O ano bro, tinanggap mo na?’ ‘Oo bro, tinanggap ko na!’” dagdag pa niya.
Ang Because You Love Me na ididirek ni Dan Villegas, ay tungkol sa makulay at challening na buhay ng mga triathletes, “It’s a very personal show sa akin kasi alam ko pinagdadaanan ng mga triathletes.
“And alam ko yung sport, yung image niya is pangmayaman because you have to imagine yung bike, two hundred thousand, three hundred thousand.
“Yung magsi-swim ka pa sa pool but ipapakita namin sa mga tao na kaya niyong gawin. Ito yung paraan kasi ako si Nino, lumaki ako sa probinsya pero natuto ako lumangoy kasi kailangan, sinisisid ko yung mga tahong, so yun yung background ko. Kailangan ko tumakbo sa school,” sey pa ng binata.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.