Nasiko ni Ray Parks habang nagba-basketball, isinugod sa ospital
Resbak ni Karla Estrada: Buti na lang wala ako do’n, kung hindi…naku!
DUGUANG napaluhod si Daniel Padilla nang aksidente siyang masiko ni Ray Parks ng Team Jao sa ginanap na “Princess and I Royal Fair: Final Game” noong Linggo nang gabi sa The Arena, Mall of Asia.
Kaagad niyakap ni Melai Cantiveros ang batang aktor dahil tuluy-tuloy ang dugong dumadaloy sa bibig nito, mabilig din siyang dinala ng mga taga-production ng Princess And I sa rest room.
Sa St. Lukes Hospital Global City itinakbo si Daniel kung saan tinahi ang kanyang bibig na umabot sa 14 stitches.
Base sa record ay may natitira pang 48 seconds bago matapos ang laro nang masiko ni Ray Parks, anak ni Bobby Parks at manlalaro ng National University Bulldogs and Sinag Pilipinas ang leading man ni Kathryn Bernardo.
Nagkagulo naman ang lahat ng taga-Star Magic sa nangyari kay Daniel at kamuntikan namang madapa si Kathryn para damayan ang aktor pero pinigilan na siyang makalapit pa.Kaya naman mas lalong nag-ingay at nagkagulo ang supporters ni Daniel nang makitang duguan ang idolo nila kaya naman galit na galit kay Ray Parks ang mga ito dahil sa nangyaring aksidente.
“Mabuti na lang at patapos na ‘yung laro nu’ng nangyari ang sikuhan, pag nagkataon, hindi na paglalaruin pa si Daniel at mabuti na lang din, nanalo ang Team Gino over Team Jao,” kuwento sa amin.
Samantala, abut-abot naman ang paghingi ng dispensa ng naka-siko kay Daniel na si Ray Parks sa kanyang Twitter account pagkatapos mismo ng laro, “I truly apologize for what happened at the game, didnt mean it n it’s a part of the game.
To Daniel Padilla, fam, friends, fans, I’m sorry #accident.”
Tumaas naman ang blood pressure ng ina ni Daniel na si Karla Estrada nang malaman ang nangyari sa anak, “Buti na lang wala ako do’n, kundi kami ni Parks ang may eksena, Dumbo versus King Kong,” pabirong pahayag ng aktres sa kanyang Twitter account.
Normal reaction iyon ng ina kapag may nangyari sa anak, pero knowing Karla, alam naman niyang hindi sinadya lalo’t pisikal talaga ang larong basketball.
Pitong araw na mamamahinga si Daniel hangga’t hindi raw natatanggal ang kanyang tahi ayon mismo sa doktor na gumamot sa kanya sa ospital.
Samantala, hanggang Peb. 1 na lang ang Princess And I, pero hindi pa rin mapapahinga sina Daniel at Kathryn dahil tuluy-tuloy pa rin ang shooting nila para sa kanilang launching movie mula sa Star Cinema na ipalalabas din ngayong taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.