Kobe Bryant umiskor ng 60 puntos sa kanyang huling NBA game | Bandera

Kobe Bryant umiskor ng 60 puntos sa kanyang huling NBA game

- , April 15, 2016 - 01:00 AM

HINDI binigo ni Kobe Bryant ang mga fans na  nanood sa kanyang huling laro sa NBA kahapon.

Tinapos ng five-time NBA champion na si Bryant ang kanyang 20-year career sa pag-iskor ng 60 puntos para pangunahan ang Los Angeles Lakers sa 101-96 panalo kontra Utah Jazz sa Staples Center.

Nalamangan ng Utah ang Los Angeles ng 15 puntos ngunit binura ito ng Lakers sa fourth quarter kung saan gumawa ng 23 puntos si Bryant.

Tumira ng tres si Bryant para ibigay sa Lakers ang 97-96 kalamangan may 31 segundo na lang ang natitira sa laban.

Ito ang pinakamataas na naiskor ni Bryant sa laro mula nang gumawa siya ng 61 puntos sa New York noong 2009.

“It’s hard to believe it happened this way,” sabi ni Bryant pagkatapos ng laro. “I’m still shocked about it.”
Tinapos ng Lakers ang season na may 17-65 record na pinakakulelat sa Western Conference.

NBA record ng Chicago Bulls giniba ng Golden State Warriors
Samantala, binigo ng Golden State Warriors ang Memphis Grizzlies, 125-104, para tapusin ang season na may 73-9 record at basagin ang all-time NBA record ng 1995-96 Chicago Bulls na may 72-10 marka.

Umiskor ng 46 puntos si MVP favorite Stephen Curry na tumira ng 15-of-24 mula sa  field at 10-of-19 mula sa tres.

Tinapos din ni Curry ang season na may NBA record 402 total three-points made at league-high scoring average na  30.1 points per game.

Makakasagupa ng Warriors sa unang round ng Playoffs ang Houston Rockets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending