Para sa may kaarawan ngayon: Martes Santo na! Magnilaynilay at pagkatapos magisip ng paraan kung paano makakagawa ng kabutihan. Sa ganyang paraan, gumagawa ka ng kabutihan sa yong kapwa, sa pinansyal at pag-ibig lalo kang pagpapalain ng kapalaran. Mapalad ang 4, 18, 29, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Kebalam.” Lilac at purple ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19)—Kung hindi matututong magmahal sa salapi, kailan ka pa uunlad? Hindi masamang magkuripot kung para naman ito sa kinabukasan ng inyong pamilya. Sa pag-ibig sopresahin ang minamahal, gumawa ng kabutihan sa kasuyo pero ilihim mo lang, kunwari hindi ikaw ay may gawa nito. Mapalad ang 9, 18, 27, 34, 40 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krisna-Om” Red at maroon ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20)—Ipunin ng ipunin ang kinikita at magtipid. Ngayong tag-araw bawas-bawasan ng kaunti ang gastusin. Supilin ang sarili sa mga bagay na may kaugnayan sa maluhong pamumuhay. Ang pagiging simple lang pero rock ang magdadala sa iyo sa tagumpay at kaligayahan. Mapalad ang 2, 7, 16, 25, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sarva-Dushta-Om.” Pink at magenta ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21)—May pagswi-swimming na magaganap. Sa panahong itong-usong-uso ang summer escapade, ingatan ang sarili, wag masyadong malibang sa mga bagay na makakasama sa iyong pangangatawan. Tandaang kailangan pa rin ang moderasyon. At ang pagiging malusog ay isang malaking kayamanan. Mapalad ang 3, 19, 23, 28, 34, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Dhuvina-Minna-Om.” Beige at white ang buenas.
Cancer – (June 22- July 22)—Palakasin ang estado ng pamumuhay ngayong election period, sumama sa mga political gatherings. Sa pakikiumpok sa lipunan, may hatid na suwerte at magandang kapalaran sa susunod na mga araw. Mapalad ang 5, 14, 23, 26, 35, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Shanti-Beeja-Om.” Lilac at maroon ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22)—Wag makisawsaw sa usapan na iba. Sa panahong ito ng tag-init, uminom ng maraming tubig at manatiling tahimik at magnilaynilay sa sarili mong buhay, kung bakit hanggang ngayon di ka pa rin umuunlad at yumayaman. Mapalad ang 2, 4, 13, 22, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Jagat-Guro-Nema-Om.” Yellow at pink ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22)—Minsan dapat mo ring ikonseidera ang damdamin ng iba, hindi yong puro sarili mo lang ang iyong iniintindi, Kapag marunong kang mag-mahal ng kapwa, mas mabilis kang unnlad at mas magiging maligaya. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 48, Mahiwaga mong mantra: “Om-Dhipana-Ghopalago.” Black at green ang buenas.
Libra – (September 23-October 23)—Sa pag-ibig at pinansyal, panatiliin ang ugaling pagiging bukas-palad, upang lalo ka pang pagpalain ni Lord. Tandaang ang pagtulo at pagmamahal sa kapwa lalo na sa mga mahal sa buhay ay dapat na walang pagkasawa at walang kapaguran. Mapalad ang 3, 12, 22, 31, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Udatta-Savitra-Om.” Pink at gray ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21)—Ngayong panahon ng election period umiwas sa mga manloloko at masasamang kandidato. Sa halip, sa panahong ito ng halalan ikaw ang dapat maging buhay na ehemplo ng pagawa ng kabutihan. Hindi mo dapat ipagbili ang iyong boto. Mapalad ang 5, 9, 18, 27, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Ujalam-Avayara-Om.” Blue at silver ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, kikiligin ang kasuyo kung mamayang hapon maguuwi ka ng ice cream. Sa simpleng pasalubong, muling ngingiti at magiging maligaya ang buong pamilya. Mapalad ang 2, 9, 24, 34, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam”. Red at maroon ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19)—Magkakapera ng malaking halaga, basta’t lagi ka lang dumikit sa isang Sagittarius. Sa pag-ibig, bukod sa Sagittarius ngayong panahon ng tag-araw, ka-compatible mo rin ang Cancer at Virgo. Mapalad ang 2, 11, 20, 34, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Dosya- Minna-Galla-Om”. Green at peach ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18)—Pagtiisan ang buhay na walang kuwenta. Pagsapit ng buwan ng Setyembre, umasa kang muling gaganda at bubuti ang iyong kapalaran sa pinansyal at sa aspetong pag-ibig. Mapalad ang 7, 11, 20, 38, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Sharin-Shara-Om.” Yellow at orange ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20)— Upang magkaroon ng peace of mind ngayong tag-araw wag ng magisip at magplano ng kung ano-ano pa, pansamantalang ituon ang isipan kay Lord at sa pag-ibig sa kapwa. Sa ganyang paraan, magandang kapalaran ang kusang ipagkakaloob sa iyo ng tadhana. Mapalad ang 3, 12, 21, 30, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Harem-Aum.” Red at white ang buenas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.