Malasakit ni Rep. Martin hindi fake | Bandera

Malasakit ni Rep. Martin hindi fake

Susan K - April 15, 2016 - 03:00 AM

MAHIRAP magmalasakit ang isang tao sa kanyang kapwa kung hindi naman talaga iyon totoo. Mahirap magmaang-maangan. Madali kasing nararamdaman ang sinseridad ng tao. Hindi maikukubli kung tunay ba ang kanyang pagmamalasakit o baka pakitang-tao lang ito. Sabi nga, “we can not fake sincerity”.

Sa ika-19 na taon na paglilingkod ng Bantay OCW, nagkaroon kami ng pagkakataon na makilala ang isang mahiyaing public servant, isang taong ni ayaw ngang magpakilala sa publiko at ni ayaw ipaalam ang kanyang mga nagawa.

Siya si Congressman Ferdinand Martin Romualdez.

Sa unang pagkakataon, nakaharap at nakausap namin sa Radyo Inquirer ang matinik na abogado at pangulo ng Philippine Constitution Association o Philconsa, na lumaban na maideklarang labag sa batas ang PDAP at DAP.

Nasa ikatlong termino na bilang kinatawan ng 1st District ng Leyte ang anak ni dating Governor at Ambassador Benjamin “Kokoy” Romualdez. Sa murang edad pa lamang, hinubog sila ng kanilang mga magulang na makapaglingkod sa kapwa.

Sa kabila ng napakaraming pulitiko na ginagamit ang trahedya ng “Yolanda” magpahanggang ngayon, ayaw na sanang alalahanin pa iyon ni Cong. Martin.

Ngunit kasabay ng masakit na pagbabalik-tanaw, ibinahagi niya ang mga aral na natutunan at dapat gawin. Sabi niya bagamat hindi natin kontrolado ang hagupit ng kalikasan, may mga bagay na kontrolado natin para hindi na maulit ang epekto ng ganong pangyayari. Kailangan ng ibayong paghahanda.

Walang mga larawan o TV footages na kinakitaang personal na nagbubuhat ng mga bangkay na biktima noon sina Cong. Martin at ang kapatid niyang si Philip Romualdez. Ayon sa taong nakapagkwento sa atin, hindi nila napigilang mapaiyak nang paulit-ulit noon habang kausap nila ang mga mahal sa buhay, sa kalunos-lunos na sinapit ng mga kababayan.

Sa pamamagitan ng pasilidad ng komunikasyon nina Cong. Martin, nakatawag ang mga biktima sa kanilang mga kamag-anak sa loob at labas ng ating bansa. Labis iyong ipinagpasalamat ng ating mga OFW nang marinig nilang ligtas ang kanilang mga mahal sa buhay. Malasakit na ipinamalas nila sa likod ng mga kamera.

Pagkabalik na pagkabalik sa Kongreso, nagsampa ng panukalang batas si Cong. Martin na bumuo ng isang departamento para sa disaster preparedness na kailangan ay may sariling pondo na agad magagamitsa panahon ng kalamidad.

Sa pamamagitan din ni Cong. Martin, naisabatas na VAT exempted ang mga PWD (Persons with Disabilities) at may diskuwentong 20% sa pangunahing mga produkto at serbisyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hinahangad niyang ipagpatuloy sa Senado ang kaniyang paglilingkod tulad nang pagsasabatas ng 4Ps Pangtawid program, upang masigurong may pagkain, pampaaral, panggamot ang walang-wala nating mga kababayan nang walang palakasan. Susuportahan din niya ang creation ng OFW Department.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending