Julia Montes sukdulan na ang galit sa ‘Doble Kara’ | Bandera

Julia Montes sukdulan na ang galit sa ‘Doble Kara’

Ervin Santiago - April 15, 2016 - 03:00 AM

SAM MILBY AT JULIA MONTES

SAM MILBY AT JULIA MONTES

UMABOT na sa sukdulan ang galit ni Kara (Julia Montes) para sa kanyang kakambal na si Sara dahil sa pang-aagaw nito sa kanyang nobyong si Sebastian (Sam Milby) sa nangungunang Kapamilya teleserye sa hapon, ang Doble Kara.

Hindi na napigilan ni Kara ang kanyang sarili at nilabanan na ang kanyang kakambal matapos niya itong mahuli sa aktong pagnakaw ng halik at pang-aakit kay Sebastian. Mainit na batuhan ng masasakit na salita na nauwi sa sakitan ang namagitan sa dalawa kaya naman lalo pang tumindi ang galit ng kambal para sa isa’t isa.

Dahil sa mga pangyayari, lubos ding naging apektado si Sebastian sa awayan nina Kara at Sara ngunit kahit sinubukan niyang pag-ayusin ang dalawa, namayani ang galit sa puso nila at piniling huwag na lamang magkausap pa.

Ngayon ngang mas lumalalim na ang iringan ng kambal, paano kaya nito maaapektuhan ang kanilang pamilya? Paano poprotektahan ni Kara ang kanyang relasyon kay Sebastian? Magtagumpay kaya si Sara sa kanyang mga masasamang balak laban sa kakambal?

Huwag palampasin ang kwento na magpapadama ng tunay na pagmamahal, Doble Kara, Lunes hanggang Biyernes, pagkatapos ng It’s Showtime sa ABS-CBN o sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending