Kahit mataba makapag-aasawa kaya? (2)
Sulat mula kay Eva Marie ng San Francisco, Panabo, Davao
Problema:
1. 1. Elementary pa lang ako ay mataba na ako hanggang sa ako ay mag-high school at mag-college ay lalo pa akong tumaba. Ito marahil ang dahilan kung kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nagkaka-boyfriend. Nagawa ko nang lahat ang paraan ng pagpapayat hanggang sa magkasakit pa nga ako pero hindi rin ako nagtagumpay. Sa ngayon at ease at kampante na ako sa aking figure kahit pa sabihing mataba pa rin ako. Masaya na ako dito, kasi nga parang imposible na akong pumayat.
2. Itatanong ko lang sana sa inyo kung kahit kaya mataba ako may pag-asa pa kaya akong magka-boyfriend at makapag-asawa? Ito kasi ang gusto kong mangyari sa buhay ko ngayon, ang magkaroon ng isang simple at masayang pamilya. Matutupad kaya ito? October 8, 1989 ang birthday ko.
Umaasa,
Eva Marie ng Davao
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Libra (Illustration 2.) ay nagsasabing kahit na hindi ka magpapayat, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran isang lalaking isinilang sa zodiac sign na Aquarius ang iyong makikilala, magiging kaibigan, magiging boyfriend hanggang sa tuluyang mapangasawa.
Numerology:
Ang birth date mong 8 ay nagsasabing isang lalaking isinilang sa petsang 7, 16 o kaya’y 25, ang iyong mapapangasawa, isang kayumangi, matangkad at medyo mapayat na lalaki.
Luscher Color Test:
Upang mas madaling matupad ang binanggit na pag-aanalisa sa itaas, ugaliian mong magusot ng kulay na pula. Sa nasabing kulay gaganda at susuwertehin ka sa larangan ng paghahanap ng lalaking mapapangasawa.
Huling payo at paalala:
Eva Marie kapag kapalaran ng isang tao ang pag-uusapan, tunay ngang wala namang kaugnayan sa takdang kapalaran ang pisikal na anyo ng isang tao. Sapagkat ayon sa iyong tadhana, chubby kaman o saksakan ng taba, sa taon ding ito ng 2016 sa buwan ng Mayo hanggang Oktubre tiyak ang magaganap, sa edad mong 26 pataas – magkaka-boyfriend ka ng isang lalaking nagtataglay ng initial na R.D. at ang lalaki ring ito ang tuluyan mo ng mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng isang simple, masaya at pang habang buhay ng pamilya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.