Graft kontra kontrobersyal na gobernadora | Bandera

Graft kontra kontrobersyal na gobernadora

- April 08, 2016 - 07:04 PM

Ombudsman Morales

Ombudsman Morales


NAKATAKDANG sampahan ng kasong graft ng Office of the Ombudsman ang kontrobersyal na gobernadora nh North Cotabato na si Emmylou Taliño-Mendoza dahil sa iligal umano na pagbili ng diesel fuel noong 2010 sa halagang P2.4 milyon.
Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales, nakitaan ng sapat na batayan para kasuhan si Mendoza.
Ani Morales, ang krudo ay binili ng gobernadora sa gasoline station na pag-aari ng kanyang ina.
Sa rekord ng Ombudsman, inaprubahan ni Mendoza ang paglalabas ng P2.4 milyon mula sa pondo ng lalawigan upang bayaran ang 49,526.72 litro ng krudo na ginamit sa road grader at apat na dump trucks para sa dalawang araw na pagkukumpuni ng mga kalsada.
Wala umanong isinagawang public bidding para sa pagbili ng krudo, ayon kay Morales. Sa halip ay binili ito sa gas station na pag-aari ng nanay ni Mendoza.
Katwiran ng gobernadora na tanging ang “Taliño Shell Station” lamang ang pumayag sa hiling na “credit term” ng provincial government.
Pero, sagot ng Ombudsman, pinalabas na ginamit sa proyekto ng provincial government ang mga biniling krudo, pero mahigit 500 litro lamang ang nagamit sa road maintenance project sa bayan ng Magpet habang ang natirang pera na inilaan sa proyekto ay ibinulsa lamang.
Tatlong bilang ng kasong paglabag sa Section 3(e) nmg Anti-Graft and Corrupt Practices Act (Republic Act No. 3019) ang isasampa laban kay Mendoza.
Samantala, sinabi ng abogado ni Mendoza na nakahanda ang kanyang kliyente na sagutin ang lahat ng akusasyon laban sa kanya.
“Any accusation of partiality, preference or bias in favor of any gas station has no basis. What should be borne in mind is that Gov. Mendoza is not a member of the Bids and Awards Committee (“BAC”). It follows then that she did not handpick or select any particular station as the province’s supplier for the P2.4M fuel,” sabi ng abogado ni Mendoza na si Atty. Vincent Paul Montejo.
Kinontra rin ni Montejo ang pahayag ng Ombudsman.
“Contrary to what the Ombudsman is saying, the fuel was procured after it went through a form of bidding, allowed under the Government Procurement Act and as recommended by the BAC,” giit niya.
Idinagdag ni Montejo na binalewala ng Ombudsman ang mga ebidensiyang isinumite ng kanyang kampo kaugnay ng kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending