JV nagpiyansa | Bandera

JV nagpiyansa

Leifbilly Begas - April 07, 2016 - 04:01 PM

jv ejercito
Naghain ng P30,000 piyansa kahapon si Sen. Joseph Victor Ejercito upang maiwasan ang pag-aresto sa kanya kaugnay ng kinakaharap na kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sinabi ni Ejercito na pulitika ang nasa likod ng kasong kinakaharap nito at sinabi na susunod siya sa proseso ng batas at umaasa na magiging patas ang paglilitis ng kanyang kaso.
Nagtungo si Ejercito sa Sandiganbayan Fifth Division upang ilagak ang piyansa. May kinakaharap pa siyang kasong illegal use of fund sa Sixth Division.
“I maintain my innocence and deny any wrongdoing in the purchase of high-powered firearms in 2008. I am not worried that the Sandiganbayan issued a warrant of arrest against me. I know I did no wrong, and that this case is undoubtedly politically motivated by oppositionists at the local scene,” ani Ejercito.
Ang kaso ay kaugnay ng pagbili ni Ejercito, noon ay alkalde ng lungsod, ng mga baril sa halagang P2.1 milyon. Ang pondo ay kinuha umano nito sa calamity fund ng lungsod.
Ayon sa Ombudsman wala ang baril sa listahan ng mga maaaring bilhin gamit ang calamity fund.
Maglalaban sa eleksyon ang ina ni Ejercito na si Sam Juan Mayor Guia Gomez at ang dati nilang kakampi na si Vice Mayor Francis Zamora, anak ni Rep. Ronnie Zamora.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending