ANTIPOLO City — Malaki na ang lamang ni Jan Paul Morales sa Luzon leg ng 2016 Ronda Pilipinas kaya pakay ng kanyang mga kakampi sa Philippine Navy-Standard Insurance na tulungan siyang ma-proteksiyunan ang kalamangan para masiguro ang kampeonato.
Ang Stage Three ngayon ay isang criterium race na may habang 2 kilometro. Magsisimula at matatapos ito sa dinarayong Hinulugang Taktak.
“Siyempre, kailangan namin depensahan at protektahan ang miyembro namin,” sabi ni Navymen team captain Lloyd Lucien Reynante patungkol kay Morales na nag-kampeon din sa Mindanao Leg.
Sa Luzon leg ay nagwagi sa unang dalawang legs si Morales para manguna. —Angelito Oredo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.