Daniel niregaluhan ng wallet si Kathryn: Terno kami!
ALAM n’yo ba kung ano ang gift ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo sa nakaraang 20th birthday nito?
Super happy si Kathryn dahil nangyari ang kanyang dream celebration para sa kanyang ika-20 kaarawan. Naganap ito sa Balesin island kung saan nakasama niya si Daniel at ilan sa malalapit niyang mga kaibigan.
“Masaya! Bitin nga siya actually kasi ilang days lang kami doon. Private siya kagaya nga ng gusto ko and nag-enjoy naman kaming lahat. We were with our old friends. Konti lang kami,” pahayag ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN.
Nang tanungin kung ano ang birthday gift sa kanya ng kanyang rumored girlfriend, “Binigyan niya ako ng wallet tapos terno yata kami sa wallet na ‘yun so iyon ang ginagamit ko.”
Tungkol naman sa “label” ng kanilang relasyon, “Alam naman nila. Ganu’n talaga kami. Chill lang kami.
Okay naman ‘yung mga tao na ganu’n so hindi na kailangan pa.”
Naghahanda na rin ang tambalang KathNiel sa next movie nila under Star Cinema, “Ang alam ko lang malapit na kasi may mga meetings na rin kami next week. Tapos ang alam ko mag-o-ocular na rin sila kung saan ang final location. Alam ko may kaunting changes pero imi-meet na kami for the final story talaga.”
“But I’m very excited sa movie na ito. Sabi namin ni DJ, ibibigay namin lahat sa movie na ito. Tignan natin kung ano ang mangyayari, kung kailan talaga. Maybe next month ‘yung start ng shoot,” chika pa ni Kathryn.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.