Hunk actor mas gustong magpalaki ng katawan kesa makipag-date sa Gf | Bandera

Hunk actor mas gustong magpalaki ng katawan kesa makipag-date sa Gf

Cristy Fermin |March 31,2016
facebook
share this

Hunk actor mas gustong magpalaki ng katawan kesa makipag-date sa Gf

Cristy Fermin - March 31, 2016 - 02:00 AM

blind item

ANG mga kuwentong napakapersonal tungkol sa mga artista ay kadalasang mga dating tauhan nila ang pinagmumulan. Umalis na driver, nagpaalam na kasambahay na hindi na bumalik pa, o kaya’y ang kanilang mga PA na umalis o sadyang pinagpahinga na ng mga personalidad.

Kapag may mga hindi kagandahang istoryang naglalabasan tungkol sa mga artista ay sila ang palaging napagbibintangang nagkakalat. Totoo man o hindi ay sila pa rin ang pinagdududahan. Pero dapat ay hindi nakasentro lang sa mga dating kasama-sama ng mga artista ang duda, nandiyan din ang mismong mga kamag-anak nila, idagdag pa ang mga nakakarelasyon nila.

Kuwento ng aming source, “Mas mag-ingat sila sa mga ex nila, sa totoo lang. Lalo na kapag non-showbiz ang nakarelasyon nila, siguradong may puputok na balita kapag nagtagal-tagal na. “Natural lang na inuurirat ang mga ‘yun ng mga friends nila, hanggang sa bumigay na sa kakukuda ang ex, ayun, meron nang kuwento!

Sa totoo lang, mas detalyado pa nga ang mga kuwento kapag ex ang naglalabas. “Tulad ng isang girl na hindi na nakapagpigil pa, ikinukuwento niya ngayon ang past nila ng isang hunk actor na ilang taon din niyang nakarelasyon.

Off and on ang relationship nila, pero sa paganu’n-ganu’n, e, nagtagal din sila, ha? “Ano ang kuwento ngayon ng girl? Mas madalas na kasama ng guy ang mga friends niyang lalaki. Hindi na raw halos sila nagkakaroon ng privacy, dahil kapag may date sila, kasama na rin nila ang mga male friends ng ex niya.

“Mas concerned din kuno ang ex niya sa katawan niya, palagi siyang nakababad sa gym, dahil baka mawala ang pagka-macho niya. Sa kapupunta sa gym, nakakalimutan na tuloy ng hunk actor na may girlfriend pala siyang kailangan niyang dalawin at kumustahin.

“Bradly Guevarra, super-kilala mo kung sino ang hunk actor na ito, napakarami niyang kapangalang artista, pero ang apelyido niya, e, pangalan ng isang bayan sa probinsiyang leader ang mahal mong ateng aktres,” pagtatapos ng aming impormante.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending