“I’m always here for her as a friend. I’ll always give her an open ear and a lending hand,” ang nasabi ni Xian Lim ngayong nasa gitna na naman ng kontrobersiya ang rumored girlfriend niyang si Kim Chiu kung saan sangkot din ang magdyowa na raw na sina Maja Salvador at Gerald Anderson.
Say ni Xian, 100% pa rin ang suporta niya kay Kim sa kinakaharap nitong issue with her best friend Maja and ex-BF na si Gerald.
Umaasa rin ang aktor na hindi maaapektuhan ang trabaho nina Kim at Maja sa serye nilang Ina Kapatid Anak.
Dagdag pa nito, natutuwa rin sila ni Kim na nagkaroon pa ng book 2 ang programa nila, “Siyempre we’re thankful.
Sobra naming thankful na umabot kami sa ganito.
At sana suportahan n’yo ang book 2 sa Jan. 14.” (Ervin Santiago)
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.