Pagiging artista ni Edu di makakatulong para manalo sa eleksiyon | Bandera

Pagiging artista ni Edu di makakatulong para manalo sa eleksiyon

Ervin Santiago - March 22, 2016 - 03:00 AM

EDU MANZANO

EDU MANZANO

DIRETSONG sinabi ni Edu Manzano na hindi makakatulong ang kanyang pagiging celebrity para manalo sa senatorial race sa May 9 elections.

Ani Doods, naniniwala siya na matatalino na ngayon ang mga botante, hindi na raw pasikatan ang labanan ngayon. Mas mahalaga na raw ngayon ang plataporma at kakayahan ng isang kandidato para manalo.

“Mas naki-criticize pa nga ang mga dating artista kaya patas lang ang lahat ng mga kandidato,” pahayag ng tatay ni Luis Manzano.

Malapit ang puso ng TV host-actor sa mga OFW kaya naman isa raw ito sa mga isyung pagtututunan niya ng atensyon kapag nahalal bilang senador. Dapat daw ay may in-country investments na makapagbibigay ng trabaho sa mga OFW para hindi na sila umalis ng bansa.

“Ang Pilipino ay likas na masisipag. Bigyan lang natin ng tamang oportunidad. Tignan mo sa ibang bansa, ang ating mga OFW ay mayroong tatlu-tatlong trabaho.

“Kaya sila nandoon, kasi kulang sa oportunidad dito sa bansa natin. Kung ang bawat pamilyang Pilipino ay mayroong sapat at tamang oportunidad, kasabay na nito ang pagbagsak ng krimen at unti-unting pagkawala ng problema sa droga,” paliwanag pa ni Doods.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending