Pagdalaw ni Claudine sa puntod ni Rico kasama ang anak inintriga
MAY ilang kumukuwestiyon sa ginawang pagdalaw ni Claudine Barretto sa puntod ng ex-boyfriend niyang si Rico Yan na kasama pa ang kanyang anak na si Santino.
Ayon sa ilang followers ni Claudine, bakit daw kailangang isama pa ang anak niya kay Raymart Santiago sa libingan ni Rico at ibandera pa ito sa kanyang social media account.
Last week pa ipinost ni Claudine ang litrato ng pagdalaw niya sa puntod ni Rico kung saan kasama pa nga niya si Santino, ito’y para alalahanin nga ang ika-41 kaarawan ng yumaong aktor.
Kahapon, nabasa namin ang paliwanang ng aktres na napapanood ngayon sa serye ng TV5 na Bakit Manipis Ang Ulap? tungkol dito. Aniya, ang litratong ipinost niya sa kanyang Instagram account ay kuha pa noong Feb. 23, ilang linggo bago pa ang kaarawan ni Rico.
Esplika pa ng Kapatid actress, “Sa mga palanggas ko, explain ko lang po. wala pong pasok si Santino nung feb 23 at sumasama lagi si Saint sa tapings ko.
“Eto pong pagdalaw ko Rico was the day i was taping for bakit manipis ang ulap at sa manila memorial po taping ko at Saint was with me.
“Of course my kids know who Rico was. i also mentioned this taping sa manila memorial at pagdalaw namin ni Saint kay Raymart. Ok at wala hong problem sa Papa ni Saint. 3 days before Ry’s birthday i went to visit RY again. so yun po thanks & god bless.”
In fairness naman kay Claudine, consistent talaga siya sa ginagawa niyang pag-alala sa kanyang ex-boyfriend sa tuwing may espesyal na okasyon. Tsaka wala rin kaming nakikitang masama kung dalawin man niya ang puntod ng yumaong aktor.
We also believe na wala ring isyu kung isama man ni Claudine ang kanyang mga anak sa libingan ni Rico Yan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.