Kris: Wag nating husgahan ang tao sa mga pagkakamali niya!
HULING tatlong araw na ng tinututukan n’yong GMA Telebabad series na Little Nanay starring Kris Bernal, Nora Aunor and Eddie Garcia. The show has continuously promoted family values, compassion and love for all na talaga namang patok na patok sa manonood.
At ngayong nakatakda na ngang magtapos ang Little Nanay sa Wednesday (March 23), umaasa si Kris na gumaganap na Tinay sa kuwento na naging nanay sa murang edad, na marami silang na-inspire na viewers lalo na ang pagpapaalala sa mga ito ng kahalagahan ng pamilya.
“Gusto kong matutunan ng viewers mula sa Little Nanay na huwag nating husgahan ang tao sa kanyang pagkakamali or pagkukulang, mas mabuting tingnan natin ang mabuting kalooban niya. Maging pantay-pantay ang treatment sa kahit anuman o sinuman.
At pahalagahan ang bawat miyembro ng pamilya at maging madasalin,” sabi ni Kris. Portraying Tinay, a young mom with Intellectual Disability (ID) is both a challenging yet fulfilling role for the Kapuso actress. At ayon kay Kris, napakarami rin niyang natutunan sa Little Nanay.
“Natutunan ko na hindi hadlang ang kapansanan sa pagiging isang mabuting ina, kapatid, o kaibigan. Ang mga batang may ID ay may sariling kakayahan at maaari pang matuto. Natutunan ko rin ang halaga ng pagmamahal ng pamilya,” aniya.
She also added that working with respected actors is one of her most memorable experiences while doing the series, “Through this show, nabigyan ako ng chance to work with the best in the industry, like Mr. Bembol Roco, Mr. Eddie Garcia at ang nag-iisang Superstar Ms. Nora Aunor.”
Ngayong gabi, sasabihin ni Don Miguel (Eddie) na hindi aalis sa kanilang kumpanya si Tinay. Bigla pa itong tatayo mula sa kanyang wheelchair kaya na-shock ang lahat dahil hindi lang ito nakapagsasalita nang maayos kundi nakatatayo na rin.
Kasama rin sa Little Nanay sina Bembol Roco, Mark Herras, Juancho Triviño, Chlaui Malayao, Keempee de Leon, Gladys Reyes, Winwyn Marquez, Hiro Peralta, Rafa Siguion-Reyna, Jinri Park, Sunshine Dizon, Paolo Contis at Renz Fernandez.
Ang Little Nanay ay sa direksyon ni Ricky Davao at napapanood pa rin after 24 Oras sa GMA Telebabad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.