Heart super enjoy sa unang pag-iikot sa Divisoria
ENJOY na enjoy si Heart Evangelista nang first time mag-ikot sa Divisoria kamakailan, isang kakaibang experience na naman daw ito para sa kanya. Kasama ni Heart na umikot sa 168 at Tutuban Mall at kanyang fans mula sa Heart World at ilang miyembro ng Youth For Chiz, mga kabataang tagasuporta ng kanyang mister.
Ayon sa Kapuso actress sanay naman talaga siyang makibagay sa iba’t ibang mga tao kaya nga tuwang-tuwa siyang makapaglibot sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas para ikampanya ang kanyang hubby na si Sen. Chiz Escudero.
Kamakailan nga ay dumalaw pa si Heart kasama ang BFF na si Lovi Poe sa Ilocos Norte at talaga namang winelcome pa ang dalawa ni Gov. Imee Marcos. Sey ng dalawang aktres, nais lamang daw nilang mag-spread ng love sa Ilocos at ipakilala sa mga tao sina Sen. Chiz and Sen. Grace Poe, kahit pa nga ito ay kilalang balwarte ng mga Marcos.
“Oo, kaya nga kami nandito ni Lovi, siyempre gusto naming tumulong sa mga mahal namin sa buhay,” sey ni Heart sa isang interview sa Ilocos Norte. Kwento pa ni Heart, although na-pressure raw siya nang nakapangasawa ng isang politiko, palagi syang pinapaalalahan ng kanyang mister na magpakatotoo lang.
“Pagdating sa politika siyempre nape-pressure din po ako kasi maraming nagsasabi iyong mga serious na mga tao nakapaligid sa kanya, kailangan ganito ka, kailangan kapag magsalita ka kailangan ganyan.
Pero siya, lagi niya sinasabi sa akin na just be yourself,” sabi ni Heart. “Dapat magpakatotoo ka kung sino ka, minahal ka ng tao kung sino ka. Gusto ko ganu’n ka rin na kahit na nakapangasawa ka ng politician,” dagdag niya.
Hindi nga raw biro ang pressure na nararamdaman ni Heart ngayong papalapit na ang eleksyon, pero pinanghahawakan na lang niya na nandiyan siya for her hubby at nandiyan din ang senador para suportahan siya sa kanyang pagiging artista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.