MUKHANG makukulong si Maia Santos-Deguito, branch manager ng Rizal Commercial Banking Corp. (RCBC) sa Jupiter St., Makati, dahil siya ay kasama sa pagnakaw ng $81 milyon sa Bangladesh central bank.
Ang malaking pera ay dineposito sa RCBC Jupiter branch upang ma-launder o bigyan ng katwiran na ito’y lehitimo.
Kitang-kita na hindi nagsasabi ng totoo si Deguito sa mga imbestigador.
At ang siste pa, pumasok sa eksena ang abogado ni Deguito na si Ferdinand Topacio.
Pinaratangan ni Topacio ang Anti-Money Laundering Council (AMLC) ng negligence o kapabayaan at cover-up sa money laundering.
Napaka-out of this world naman ang sinasabi mo, Atorni!
Paano kinober-ap o naging pabaya ang AMLC?
Parang komedya o katawa-tawa tuloy ang imbestigasyon ng money laundering na isang seryosong bagay.
Pero alam na natin na nagpapakulo lamang si Atorni dahil kailangang mailigtas niya ang kanyang kliyente sa tiyak na pagkabilanggo.
Base sa mga ulat, parang kasama si Deguito sa malakihang pagnanakaw sa Bangladesh Central Bank na may account sa New York federal bank.
Napunta ang nakaw na pera sa RCBC-Jupiter branch at sinalo ito ni Deguito.
Pero ayaw magsalita ni Deguito sa mga miyembro ng Senate blue ribbon committee.
Sinabi niya na ayaw niyang ipahamak ang kanyang sarili.
She invoked her right against self-incrimination.
Kung wala siyang kasalanan, bakit ayaw niyang magsalita?
Kahina-hinala ang kanyang pag-invoke ng right against self incrimination. Ginagawa lang ito ng mga taong under investigation na may itinatago.
Bakit ayaw niyang sabihin ang lahat ng kanyang alam kung siya’y walang kinalaman sa money laundering?
Ang dating tauhan ni Deguito sa RCBC-Jupiter branch na si Romualdo Agarrado ang nagsabi na si Deguito mismo ang nag-withdraw ng P20 milyon sa account ng negosyanteng si William Go at isinakay ang cash sa kotse ng bank manager.
Pinasinungalingan ni Go na may account siya sa RCBC branch at sinabi niya na ang kanyang pirma ay pineke.
Sinabi ni Go na tinangkang suhulan siya ni Deguito ng malaking halaga upang aminin na kanya yung account, pero di niya ito tinanggap.
Sinabi rin ni Agarrado na tangkang sinuhulan siya ni Deguito ng P5 milyon pero gaya ni Go, hindi rin tinanggap ito ni Agarrado.
Nandamay pa si Deguito ng ibang tao na walang kinalaman sa money laundering.
Sinabi niya na ang may utos sa kanya na tanggapin ang malaking halaga kahit na kahina-hinala ang pinanggalingan nito ay ang RCBC president na si Lorenzo Tan.
Pinasinungalingan ni Tan ang sinabing yun ni Deguito.
Naniwala naman ang pamunuan ng RCBC kay Tan at sinabing huwag siyang mag-leave dahil malaki ang tiwala nila sa kanya.
Dinamay din ni Deguito ang negosyanteng Tsinoy na si Kim Wong.
Sinabi niya na si Wong daw ang nagpakilala sa kanya sa apat na depositors na nag-withdraw ng malalaking halaga sa kanyang bangko.
Naglaho nang bigla ang apat.
Pagpalagay natin na si Wong ang nagpakilala sa apat kay Deguito, ano naman ang kanyang papel sa money laundering?
Si Wong ay big-time junket operator na nag-aalaga ng mga mabibigat na sugarol na taga China habang sila’y naglalaro sa casino.
Ano namang alam ni Wong kung ang perang pinangsugal ng mga Chinese high rollers ay nakaw?
Sira na naman sa mata ng buong mundo ang ating bansa dahil sa $81 million money laundering.
Ito ay isa sa pinakamalaking pagnanakaw sa bangko sa buong mundo.
At sa atin pa napunta ang pera!
Notorious na nga ang Pilipinas dahil sa mga kidnapping ng Abu Sayyaf ng mga banyaga, mas lalo pa itong naging notorious dahil naman sa money laundering.
Kailan kaya gaganda ang imahen ng Pilipinas?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.