Regine: Kapag umabot ako ng 2 a.m. sa taping magkakasakit na ako nu’n!
PABOR si Regine Velasquez sa panukalang batas na ipinasa ni Sen. Chiz Escudero na 12-hour workday limit sa mga nagtatrabaho sa mundo ng telebisyon at pelikula.
Sa presscon ng bagong GMA Telebabad series na Poor Señorita na pinagbibidahan ng Asia’s Songbird, sinabi nitong it’s about time na tutukan ng mga politiko ang kalagayan at kundisyon ng mga artista at production staff.
Naging mainit ngang isyu ito matapos sumakabilang-buhay ang mga direktor na sina Wenn Deramas at Francis Pasion, na namatay dahil sa cardiac arrest. Sinisi ng ilang taga-showbiz ang mahabang working hours sa shooting at taping, lalo na sa mga teleserye.
Pero nilinaw naman ng leading lady ni Mikael Daez sa light romantic-comedy series na Poor Señorita na hindi naman siya nagrereklamo sa trabaho dahil noon pa man ay meron na siyang cut-off sa mga tinatanggap niyang proyekto.
“Ang gusto lang naman namin, ma-regulate ang working hours. Sa akin, ang 12 hours, I don’t think is enough sa production. Feeling ko, medyo maikli. I-regulate lang na kunwari from 7 a.m. to 12 midnight. Siguro, 16 hours?
“Basta, may cut-off lang sana na hindi ka lumagpas nang 12. Kasi, kapag 1 o’clock na, you are so useless!
“Kasi, alam mo, ‘yung Actors Guild, they’ve been working on this for the longest time. Meron namang gumagawa ng paraan. They’ve been trying to do something, eh ganu’n talaga, hindi na nila naririnig ‘yung boses.
“Ako kasi, may cut-off talaga ako, because I’ve been suffering from migraine. Pag umabot ako nang 2 or 3 a.m., hindi mo na ako mapapakinabangan the next day, may sakit na ako nu’n.
“The following day, hospital na ako nu’n. Kasi, migraine talaga,” chika ni Regine. Dugtong pa ng Songbird, “Natatakot lang, a lot of us kasi, ayaw naman natin na ma-offend ang network. Seen na we’re demanding na dapat ganito. Siguro, we have just have to be strong, we have to be united.
“Siguro, a lot of us, baka galit. Siguro, to be calm and not to see or think that the producers and the network are enemies. Kakampi nga natin sila, dahil sila ang nagbibigay ng trabaho sa atin. Siguro, dapat ang aim natin is for the betterment of everyone na kumbaga, magiging beneficial to everybody,” aniya pa.
“Kaya nga we’re happy na si Sen. Chiz, na siyempre asawa niya si Heart (Evangelista) na alam naman niya ang kondisyon pag nagtatrabaho ang asawa niya. I’m happy na meron siyang initiative, pero you have to remember na bill pa lang ito, dadaan pa ito sa napakahabang proseso.
“I think ‘yung Actors Guild is also trying to talk to other ‘yung sangay ng gobyerno to regulate na working hours,” paliwanag pa ng Asia’s Songbird.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.